{Yael's POV}
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. She just agreed to be my date! At binigay niya pa ang number niya. That was..unbelievable!
"Hey. Ano nginingiti mo ha?" Pansin sa'kin ni Yas. Papunta kasi ako ng canteen para bumili ng maiinom. Pababa ako at papanhik siya.
"You wouldn't believe this. Napapayag ko si Raff sa acquaintance party." Pagmamalaki ko sa kanya.
"Ha? Sigurado ka?" Takang tanong niya. At ikinuwento ko sa kanya 'yung napag-usapan namin kanina.
"Ahh..Congrats!"
"Thanks! Sige. Bibili muna ako ng maiinom. Pasok ka na."
"Okay."
Hanggang sa pag-akyat ko ulit sa classroom, hindi ako makapagpigil ng mga ngiti ko.
Sana this time, pakinggan niya na'ko. Hindi niya lang alam kung gaano ko kagustong magpaliwanag sa kanya. Ang dahilan ng pagpunta ko sa Amerika, ang mga nangyari sa loob ng dalawang taon, at kung gaano ko siya kamahal. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko. Kung tutuusin, mas minahal ko pa siya ngayon. Kaya nasasaktan ako sa t'wing pinapakita at pinaparamdam niya sa'kin kung gaano ko siya nasaktan. Kung may choice lang sana ako noon.
Pumasok na'ko sa classroom at wala na'kong ibang ginawa kundi titigan si Raff. Namimiss ko na 'yung dating Raff, 'yung masayahin, 'yung parang wala siyang problema, 'yung 'pag kasama mo siya, ang gaan lang ng pakiramdam. Ngayon, ibang-iba na siya. Halos 'di na siya ngumingiti. Kung tititigan mo siya, parang ang bigat lang sa pakiramdam kasi mararamdaman mo 'yung sakit na pilit niyang itinatago. Singtigas na siya ng bato ngayon. At alam kong dahil 'yun lahat sa'kin.
Damn! Kung pwede ko lang akuhin lahat ng sakit na nararamdaman niya, gagawin ko. Raff, kung pupwede lang. I love you, Raff. And I would do anything, everything I could to have you back.
***
"Ano kaya ang isusuot ko? 'Yung white o 'yung gray suit?" Hindi ako makapili sa kung ano ang susuotin ko sa acquaintance.
"Tss! 'Yung gray na lang!" Naalala ko, paboritong kulay ni Raff ang gray. Naalala ko tuloy 'yung panyo ko.
[Flashback]
"O, akala ko bang ibabalik mo na 'yan sa'kin pagkalaba mo?" Dalawang buwan na ang nakakaraan nang mangyari 'yung insidente sa canteen. Naging malapit kami sa isa't isa dahil dun. Halos kami na nga ang magkasama sa maghapon araw-araw.
"Naku! H'wag ka ng umasa Yael." Sagot ni Ann.
Lumingon naman ako kay Raff at nangingiti lang siya.
"Sus. Kung ayaw mo ng ibalik, okay lang. Sa'yo na 'yun."
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Raff sa'kin.
"Oo."
"Talangang-talaga?" Hindi ko alam pero 'pag nakikita ko siyang masaya o 'di kaya excited, napapangiti ako.
"Oo nga. Bakit ba? Anong meron sa panyo ko?" Takang tanong ko sa kanya.
"Oo nga, anong meron at super excited ka pa diyan na ibigay niya sa'yo?" Dagdag pa ni Ann.
"Sa t'wing tinititigan ko kasi 'yung panyo mo, napapangiti ako."
[End of Flashback]
'Langya oh. Kinikilig ba'ko?! Haha. Makapagbihis na nga!
Inaayos ko ang buhok ko nang tumunog ang phone ko. Agad ko 'yong kinuha kasi baka si Raffy na 'yun.
My Princess
6pm
Meet me at the old park at 7pm. H'wag mo na'kong sunduin.
7pm? 6pm na ah? Nagmadali na'kong mag-ayos. Nireply-an ko siya.
Sige. Maghihintay ako. Take care.
Dali-dali na'kong nag-ayos. Ayaw kong ma-late. Sa laki ng atraso ko sa kanya, ayaw ko ng dagdagan pa.
***
{Raffy's POV}
Buwiset naman na panyong 'yan! Asan naba kasi 'yun?! 6.30pm na pero hindi pa'ko nakakapagbihis para sa acquaintance dahil wala akong balak pumunta. Papaasahin ko siya sa wala. Papaghintayin ko siya sa wala. Tulad ng ginawa niya sa'kin.
Sa dami ng nagawa at hindi nagawa ni Yael para sa'kin, naisip kong gawin 'to. Kung tutuusin, hindi pa kami quits sa lagay na'to.
Panyo. Bakit nga ba lagi kong hinahanap 'yung panyong 'yun? Kung tutuusin, dapat 'di ko na pinoproblema 'yun kasi matagal na kaming wala ni Yael. Matagal na siyang nawala sa buhay ko. At sa pagkawala niya, dapat noon ko pa naibaon sa limot lahat ng alaala niya, kasama ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya.
Pero hindi. Dahil ang totoo, walang limutan na nangyari. Hindi siya nawala sa buhay ko. Lagi lang siyang nakatago dito sa puso ko. Kasama dun 'yung nga bagay-bagay na nagpapaalaala sa kanya. Tulad nalang ng panyong ibinigay niya sa'kin. Tandang-tanda ko pa nung sinabi ko kay Yael na sa t'wing tinititigan ko ang panyong 'yon, napapangiti ako. Sa katunayan, hanggang ngayon, ganun pa rin ang epekto nito sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit ganun. Pero siguro kasi, 'yun na lang 'yung kaisa-isang bagay na nagpapapaalala sa'kin na minsan sa buhay ko, may nagpapangingiting Yael sa araw ko. Na minsan, naging masaya ako. Na minsan, may Yael na handang prumotekta sa'kin anumang oras.
Ramdam ko, dahil sa panyong 'yun, na babalik siya at magiging maayos ang lahat. Kaya nung mawala ang panyong 'yun, para na ring nawala lahat ng natitirang pag-asa sa puso ko. Kailangan na ba talaga kitang isuko Yael? Isang tanong na hindi ko masagot-sagot. Kaya ko ba?
Bumalik ako sa realidad nang kumatok si Mak-Mak sa pintuan ko. "Ate, may bisita ka."
Napaisip ako. Bisita? Hindi kaya si Yael? Pero tinext ko na siya kanina. "Sino?"
"Hindi ko kakilala pero babae." Sagot niya. "Sige ate, pasok na'ko sa kwarto ko ah?"
"A-ah oo sige." Lumabas na'ko ng pintuan at bumaba sa sala. Napapaisip pa rin ako kung sino 'yun. Hanggang sa pagbaba ko, nagulat na lang ako sa nakita ko.
"Good evening Raff, can I talk to you?" Si Yas. Pero bakit? Anong ginagawa niya rito?
©zagne
BINABASA MO ANG
Ang Nawawala Kong Panyo (Short Story)
Teen FictionHindi ko alam na dahil sa nawawala kong panyo, mahahanap ko yung nawawalang parte ng puso ko..