4: Walking Away

327 13 3
                                    

{Raffy's POV}

"Good morning my dearest Raffy. Kumusta ang gising mo?" Bati sa'kin ni Ann pagkaupo ko sa upuan ko.

"Oks lang." Matipid kong sagot.

"O my God! Si Yael." Nilingon ko ang pintuan kung sa'n siya papasok pero nang tumingin siya iniiwas ko lang ang paningin ko.

"Oh my!" Hindi ko na siya nilingon pa ulit. Kahit na hindi mapakali si Ann. Hindi ko alam kung anong in-o-oh my God ng babaitang ito, basta ako hinding-hindi na ako lilingon.

"Raff, para sa'yo." Narinig ko ang boses ni Yael kaya naman hinarap ko siya. Nasorpresa na lamang ako nang makita ko ang isang bouquet ng pink tulips na iniaabot ni Yael sa'kin.

"P-para sa'n 'to?" Sa sobrang gulat ko, halos magkanda-utal-utal na'ko.

"Ahm, para sa'yo?"

"Oo para sa'kin nga, sinabi mo na 'yun kanina. Ang tinatanong ko ay kung para sa'n?" Ini-stressed ko pa ang mga salitang 'para sa'n' para magets niya.

"Gusto kitang ligawan." Matipid niyang sagot.

"Kyaaahh! Raffy!" Halos magulo ang uniform ko sa pagtulak-kabig sa'kin ni Ann. Samantalang ako, nakatingin lang dun sa mga tulips.

Ngumisi ako. "Iba ka rin no? Pagkatapos ng lahat may gana ka pang manligaw? Pang-ilan na ba'ko sa mga nabigyan mo niyan?"

"Ikaw pa lang." Kalmado niyang sagot.

"Teka nga. Magtapat ka nga sa'kin, sinu-sino na bang babae ang niligawan mo mula ng iwanan mo'ko?" Matapang kong tanong.

"Ikaw lang." Tahimik lang siyang tumititig sa'kin. Bakit ganun? Alam kong nagsisinungaling lang siya pero ba't ramdam ko ang sinseridad niya?

"Tigilan mo'ko Yael. H'wag na tayong maglokohan. Tantanan mo na'ko. Okay na'ko, h'wag mo ng guluhin ang buhay ko." Akmang maglalakad na'ko paalis nang magsalita siya.

"Ikaw lang ang minahal ko, Raff. And I would never, ever be tired of courting you for the rest of my life." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil kung hindi pa ako lalayo baka magpapaniwala ako sa mga pinagsasabi niya. Yael, bakit ba hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng epekto mo sa'kin?

***

Sa paglipas ng araw, lagi pa ring nang-iiwan ng bulaklak si Yael sa upuan ko. At paulit-ulit ko lamang 'yong tinatapon.

"Hindi kaya siya nanghihinayang sa pera niya? Sayang lang e." Tanong ko kay Ann habang nasa canteen kami.

"Mahal ka nung tao. At kung mahal ka ng isang tao, hinding-hindi siya mapapagod gawin 'yun." Pagpapaliwanag ni Ann habang nilalantakan niya 'yung chichirya niya. "Bakit kasi 'di mo subukan? Masyado kang matigas. Ikamamatay mo ba kung bibigyan mo siya ng isa pang pagkakataon?"

Nagulat ako sa tanong ni Ann. Madalang lang 'tong magseryoso kaya nakakapagtaka. "Ano bang pinagsasabi mo?"

"Ang akin lang, nakakaawa 'yung tao. Nag-eeffort na nga oh. Ba't 'di mo i-try makipag-usap. Usap lang. Hindi naman ibig sabihin nun kayo na ulit 'di ba? Na pinapatawad mo na siya?"

"Magsisinungaling lang 'yun." Matipid kong sagot.

"'Yun 'e. Kung makapag-assume ka, wagas. Usap nga lang e. Malay mo, matuldukan niyo ng maayos 'di ba? Kesa iniisip mo 'yung mga what if's sa inyong dalawa." Tama naman si Ann. Natatakot lang kasi talaga ako na malaman 'yung totoo. Na pumunta siyang Amerika para dun sa babae. Na iniwan niya ako dahil may gusto na siyang iba. Lecheng pag-ibig oh! Panira ng buhay!

"Bahala na."

Biglang nag-iba ang mood ko nang makita ko 'yung babaeng kausap ni Yael nung isang araw. Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yun.

"Saglit lang, Ann. May bibilhin lang ako." Paalam ko kay Ann.

Lumapit ako sa kanya. Nakapila siya sa counter at nakipila ako para makita siya nang malapitan. "Tch! Maganda. Kaya pala." Bulong ko sa sarili ko.

"Waaaahhh!" Blag!

Isang batang lalaki ang tumatakbo at sumingit sa'ming dalawa nung babae.

"Lakas ng trip niyo ah!" Sigaw ko. 'Di pa man kasi nakakalayo 'yung nauna, may ikalawa pang tumakbo sa pagitan namin dahilan para mapaupo kami nung babae sa lakas ng pagkakatulak sa'min.

"Yas! Okay ka lang?!" Nabigla ako nang tulungan ni Yael 'yung babae na kundi ako nagkakamali ay Yas ang pangalan.

"Ok lang ako, Yael. No worries." Nagpapagpag 'yung babae nang makatayo siya.

"Anong okay? Hindi ka ba nasaktan? Nasugatan ka ba? Gagong mga batang 'yun ah! Lagot sa'kin 'yung mga 'yun pag naabutan ko!" Singhal niya. Sa tagal namin ni Yael noon, ngayon ko lang siya nakitang galit at sobra kung mag-alala. Nak ng tekwa oh. Ba't ba naiinis ako?!

"Raffy. Okay ka lang?" Sinubukan niya'kong itayo pero itinulak ko siya. Inuna niya pa 'yang Yas na 'yan leche!

"Kapal din ng mukha mo no?" Saka ako padabog na umalis pero sinundan niya ako.

"Raffy, sandali!" Pilit kong binilisan ang mga lakad ko ngunit nahila niya ang kamay ko. "Pwede bang pag-usapan natin 'to? Ano bang problema Raff?"

Hindi ako makasagot. Ano nga ba ang problema? Ano bang kinakasama ng loob ko? Selos. Oo, selos. Nagseselos ako. Pero ano nga bang karapatan ko?

"Look at me, tell me what's on your mind. Nahihirapan na'kong hulaan ang mga tumatakbo sa isipan mo e."

"Tigilan mo na'ko."

"Ayoko! Mahal kita Raff--"

"Hindi na kita mahal! Matagal na kitang limot! Binaon ko na 'yung katiting na pag-asang babalik ka at magiging okay ang lahat. Wala ng tayo Yael! At hanggang doon na lang 'yun." Natigilan siya at alam kong dapat na'kong umalis.

Sinungaling ka Raff. Mahal mo pa siya. 'Yun lang e may iba na siyang mahal. Bumuntong-hininga na lamang ako at naglakad palayo.

Sa pag-alis ko, kelangan kong alalahanin na ito na 'yung huli. Na sa pagtalikod ko, matutuldukan na ang lahat sa'min. Wala ng kami, matagal na. At dapat noon pa, naitatak ko na sa puso't isipan ko na hinding-hindi na maibabalik sa dati. Masyado na'kong nasaktan. Marami ng nagbago. At kahit paulit-ulit pa naming balikan ang nakaraan, ganoon na lang 'yun, hindi na namin mababago.

Akala ko, sa pagbalik niya, makakapg-usap kami. Mamahalin niya ako at mamahalin ko siya. Na magiging masaya na ulit kami. Pero nagkamali ako. Sa umpisa pa lang, talo na'ko. Ano bang laban ko? Kung noon pa lang, iba na 'yung mahal niya?

Mahal pa rin kita Yael, sobra. Pero kung sa pagsuko ko ka lalaya at sasaya, papakawalan na kita.

©zagne

Ang Nawawala Kong Panyo (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon