{Raffy's POV}
"Raffy!" Isang pamilyar na boses ang narinig kong papalapit sa'kin. Lumingon ako. Si Yael.
"Ba't ba nagpapaulan ka?! Gusto mo bang magkasakit ka?!" Hinubad niya ang coat na suot niya at ipinatong sa balikat ko. Tinayo niya ako at sumilong kami sa pinakamalapit na shed.
"Bakit nandito ka pa? Oras na ah? Hindi ka ba pumunta sa party?" Tanong ko sa kanya.
"'Di ba sabi ko maghihintay ako, na hihintayin kita." Ngumiti lang ako. Katahamikan. 'Yun lang ang nangibabaw sa'min hanggang sa tumila ang ulan.
"Sorry." Panimula ko. "H-hindi ko alam na kapatid mo si Yas."
"Ha? Bakit? Ano bang akala mo?"
"Akala ko, akala ko pinagpalit mo na'ko. Nang makita ko kayong nag-uusap sa park nun, narinig kong sinabi mong siya ang dahilan ng pagpunta mo sa Amerika. Akala ko.."
"Halika nga dito." Saka niya'ko niyakap ng mahigpit. Sa mga oras na 'to, wala na'kong ibang gusto pa kundi ang yakapin lang siya. Sana tumigil ang oras..sana.
"Hayaan mo na 'yun. Nangyari na ang mga nangyari. Tapos na 'yun."
"Pero--"
"Raffy, alam kong naipaliwanag na ni Yas ang lahat sa'yo, 'yun pa." Natawa siya sa huli niyang sinabi. "Pero hindi mababago ng sorry mo ang lahat ng nangyari." Parang may kung anong matalas na bagay ang tumurok sa puso ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Ito na ba 'yun? Ito na ba 'yung kapalit ng lahat ng ginawa at sinabi ko sa kanya? Naluluha akong tumingin muli sa kanya pero nakangiti lang siya.
"Raff, wala akong pakialam sa kung anumang maling nagawa mo. Ang importante sa'kin ngayon ay 'yung ngayon, ikaw." Ano bang sinasabi niya?
"Ang nakaraan ay nakaraan. Maaaring nasaktan mo'ko dahil sa mga maling hinala mo, pero wala akong pakialam. Ang importante ngayon ay nandito ka sa harapan ko, nagbabalik. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasayang nandito ka. Akala ko, pag-uwi ko sa Pinas, wala na'kong babalikan pa." Tama si Yael, hindi mababago ng kahit anong salita ang mga nangyari na. Nakuha ko na. Gusto niya ng bagong simula.
"Salamat Yael. Salamat at bumalik ka. Alam mo ba kung gaano kita namiss ha?" Hinampas ko ang dibdib niya, dahilan para mapaatras siya.
"Aray naman, masakit 'yun ah! Alam mo namang mabigat ang kamay mo e!" Biro niya.
"Buwiset ka! Gusto mo ng isa pa ha?"
"'Di bale sana kung halik na lang 'yung isa pa e." At namula ako sa sinabi niya. "Ayun e, namumula ka nanaman."
"Ikaw kasi, ayaw mo'kong tigilan."
"Hinding-hindi kita titigilang..mahalin Raffy." Hinawakan niya ang mga pisngi ko at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"I love you so much Raffy..so much that it drives me crazy." At hinalikan niya'ko. This is our second kiss. Our first kiss was two years ago. And the feeling is almost the same. Hinawakan ko ang pisngi niya hanggang sa makarating ito sa batok at buhok niya. The taste of his lips is driving me crazy. I don't want this to end, ever.
"Raff." Tanong niya.
"Hmm?"
"Can I have a dance with you?" Seryosong tanong niya.
"Patawa ka! Wala tayo sa acquaintance noh!" Natatawa kong sabi sa kanya sabay hampas sa braso niya.
"Aray! Sabi ng mabigat ang kamay mo e!"
"Sige lang! Makakatikim ka ulit sa'kin sige ka!" Biro ko sa kanya.
"'Di nga, seryoso ako." Tumingin ako sa kanya at tumango. Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at inilagay ang kanya sa'king baywang. Sumayaw kami. Step, close, step. Step, close, step. Hanggang sa marinig ko ang tunog ng mga violin sa 'di kalayuan.
"Violin?" Tanong ko. Ngumiti siya pero hindi sumagot. Nagpatuloy lang kami sa pagsayaw. Sinabay namin ang mga paa namin sa salin ng musika. Nagulat na lamang ako nang may magsindi ng spot light na nakatutok sa kalangitan. "Ha? Anong meron?"
Tinignan niya'ko. "Basta, hintayin mo na lang."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. This is the same feeling I felt nang magpropose siya dito noon. Tumingin lang ako sa direksiyon ng ilaw mula sa spot light nang isa-isang magsiliparan ang mga saranggola. Bawat isa ay may kalakip na letra. H'wag mong sabihing..
"Raff, this place has been very important and memorable for us--first date, first time of flying a kit together, first picnic, at ngayon first dance. Naalala mo? Dito ako nagpropose sa'yo nun?" Hindi ko maipaliwanag ang kinang ng mga mata niya, parang matutunaw ka 'pag tinitigan ka na niya.
"Y-yael."
"Raff, I love you so much.." Naiiyak na'ko kasi unti-unti nang nabubuo ang mga letra na nakalagay sa mga saranggola. Bawat isang saranggola, isang letra.
W..I..L..L..
Y..O..U..
B..E..
Ngunit pagkatapos ng letrang E, wala nang sumunod pa. "Natatandaan mo pa ba nang nagpalipad ako ng lantern at ganyan din ang mga letrang lumabas?" Tanong niya at tumango lamang ako.
"Walang mga tulips ngayon o cake na hugis question mark." Binitawan niya'ko at pumunta sa likod ng isang halaman. "Pero meron neto."
Paglabas niya, may hawak-hawak na siyang maliit na cage na may mga butterflies sa loob. Kapansin-pansin 'yung gray na box at..
"Will you stay right beside me Raff..for all eternity?" At naiyak na'ko nang ilabas niya 'yung box mula sa cage. Kasabay nun ay ang paglabas at paglipad papunta sa'kin ng mga butterflies. Pero hindi pa pala natatapos 'yon.
Lumuhod siya at binuksan ang box. Isang singsing. "Will you be my girlfriend..again?"
"Y-yes. Yes!" Sinuot niya 'yun sa daliri ko at tumayo siya para yakapin ako. Muli, hinalikan niya ako sa mga labi. This time, mas matagal. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang moment na 'to. Ito na siguro ang isa sa mga pinakamasasayang araw ng buhay ko.
Minahal niya'ko, at minahal ko siya. At alam kong masaya kami..kontento. Hindi ko akalain na 'yung panyong 'yun ang pagmumulan ng pag-asa ko. Pag-asang may 'tayo', may 'kami' ulit. I may have doubts before pero ang totoo niyan, never ko siyang sinuko.
Akala ko noon wala na 'yung walang hanggan, na wala na 'yung kami hanggang sa wakas. Akala ko matutuldukan na 'yung mumunting fairytale story ko. Pero nagkamali ako. Kaya kong sumugal ulit, kaya kong itaya lahat para sa 'kami', para sa 'walang hanggan'.
Hindi ko alam na sa pagkawala ng panyong 'yun, marerealize ko ang halaga ng pagmamahalan namin ni Yael. Narealize kong mahal ko pa rin siya at hindi nawala 'yun ni minsan. At alam kong hindi 'yun mawawala kahit kailan.
He is my first and will be my last. I love him so much and..and it feels like forever.
©zagne
BINABASA MO ANG
Ang Nawawala Kong Panyo (Short Story)
Teen FictionHindi ko alam na dahil sa nawawala kong panyo, mahahanap ko yung nawawalang parte ng puso ko..