{Ann's POV}
Hindi ko maintindihan 'tong bestfriend ko. Kung masungitan niya si Yael para namang ang laki ng kasalanan. Oo, nandun na'ko, iniwan siya ni Yael sa 'di malamang dahilan. Pero may mali din naman kasi si Raffy 'e, 'di niya dapat inipit si Yael.
Kanina, nagseryoso na'ko kasi kailangan. Kailangan kong parealize kay Raffy na wala namang masama sa second chance. Na kailangan na talaga nilang mag-usap. Sa ginagawa kasi niyang pag-iwas, lalong lumalala ang sitwasyon. Patong-patong na ang mga misunderstandings.
Haay buhay! Buti na lang mabait ang Vince ko. *wink*
"Anong nginingiti mo diyan?" Speaking of the bitter este Raffy pala.
"Good morning!" Bati ko sa kanya.
"Morning." Walang ganang sagot niya sabay patong ng ulo niya sa desk.
"Wow ah! Ang aga-aga, knock out ka?!"
"Wala kang pakialam. Kung gusto mo gumaya ka." Naks! Ang sweet niya noh?
Hinayaan ko na lang siya at hindi na pinansin pa hanggang sa matapos ang klase sa huling subject namin sa hapon. Sinubukan kong pigilan ang sarili kong magtanong kanina habang nagkaklase tungkol dun sa nangyari kahapon kina Raffy.
Ba't ba kasi sinabi niya kay Yael 'yun? 'Di niya daw mahal? Sus! Sinong niloko niya? Tsaka, sino ba 'yung babaeng tinulungan ni Yael kahapon?
"Raff."
"Oh? Problema mo?"
"S-sino ba 'yung babaeng tinulungan ni Yael kahapon?" Tanong ko habang inaayos ko na 'yung mga gamit ko.
"Ah 'yun. Siya 'yung dahilan kung bakit pumunta siya ng Amerika." Matabang niyang sagot.
"H-ha? What do you mean?" Ano na naman ba 'to?
"Aba! Ba't ba ako ang tinatanong mo? Tanungin mo 'yung Yael na 'yun." Hindi na'ko nakasagot. Imposible naman ata 'yun. Ibig sabihin may iba na si Yael?
Pinagpatuloy ko na lang 'yung pag-aayos ko ng gamit nang mapansin kong may hinahanap si Raff. "O, hinahanap mo si Yael? Wala siya diyan sa bag mo, nasa puuusssooo mo." Sabay tawa ko pero isang matalim na tingin lang ang ipinukol niya sa'kin.
"Nakita mo ba 'yung panyo ko?" Patuloy pa rin ang pagbukas-sara niya sa bag niya at pagkapkap sa bulsa.
"Anong panyo? May dala ka ba? Wala naman akong napansin 'e." Pero sinubukan ko ding tignan ang bag ko pero wala.
"'Yung..'yung binigay ni Yael. 'Yung plain gray tapos may nakaburdang Yael." Nag-aalangan pa niyang paglalarawan.
"Ayun 'e. Sabi ko na nga ba may feelings ka pa din." Tukso ko sa kanya.
"Tumigil ka na nga. Alam mo namang mula nung umalis siya, 'yun na lang 'yung katangi-tanging bagay na kinapitan ko." Alam ko naman kasi 'yun. Talagang tinago niya 'yung mabuti at madalang lang niyang dalhin sa school. Actually, madalang pa sa madalang.
"Teka, ba't ba kasi dala mo 'yun?" Nakakapagtaka, kasi nga, dinadala lang niya 'yun 'pag may problema siya sa bahay, o kaya 'pag kinakabahan siya.
"Kahapon ko pa 'yun dala. Ibabalik ko na sana. Hayaan mo na. Baka sinadya na mawala 'yun para tuluyan ko na siyang makalimutan." Sinara na niya ang body bag niya at sinuot 'yon.
"Sus! Ang drama naman masyado. Tara kape."
"Libre mo?"
"Ayun e! Oo na! Bilang nawawala 'yung panyo mo, baka umiyak ka pa 'e. Hahahaha!"
***
At pumunta na nga kami ng coffee shop malapit sa school.
"Balita ko may acquaintance party ang batch natin. Parang welcoming event ba. Last year na daw kasi natin, bonding daw." Pag-uumpisa ko usapan.
BINABASA MO ANG
Ang Nawawala Kong Panyo (Short Story)
Teen FictionHindi ko alam na dahil sa nawawala kong panyo, mahahanap ko yung nawawalang parte ng puso ko..