Nikki Hayley's POV
Makalipas ang ilang linggong nagdaan nung araw na andun pa ako kala Ash sa condo niya. Ansaya yung araw na 'yun. Sarap ulit-ulitin. Yung Ash na sweet sa'kin. Yung Ash na possesive. Yung Ash na caring. Yung Ash na andyan palagi sa'kin. Yung Ash na.....
"Sorry, Nikki. Meron pa kasi akong kelangan gawin." Sabi niya at tuluyan nang umalis.
Naglaho na nang parang bula ang Ash na kilala ko dati.
Nagbago na siya. He change. The way he treat me now. Napaka-cold niya. Hindi na siya sweet. Yung dating andyan siya palagi, ngayon wala na. Yung dating ugali niya na caring nawala na din. Yung pagiging possesive niya, nawala na rin. Nagbago siya.
Parang kung maka-act siya parang wala nang kami.
Hindi niya na rin ako tinatawag using our endearment 'YAM'.
At tuwing yayain ko siya ,palaging sagot niya...
"Sorry, Nikki. Busy ako eh."
"Ahh... meron pa kasi akong pupuntahan, Nikki. Sorry talaga."
Letcheng 'sorry' yan! Naiiyak ako. Naiiyak ako? Oo. Feeling ko kasi parang balewala na ako sakniya.
Feeling ko may iba---
No! No! Di naman siguro.
Tuluyan na nga akong nawalan nang ganang maglakad. Niyaya ko kasi siya na i-hatid ako. As well, yun nanaman ang sagot niya.
Ayoko namang tawagin ang driver ko, kasi Day Off niya. Si mama? Ayun nasa Japan nagtratrabaho.
Ako, maids, at driver ko nalang ang andun sa bahay.
"Bes! Oh! Para kang zombie!" Nilingon ko siya at nginitian. Yung pilit na ngiti.
"Problema mong babaita ka?" Tanong nanaman ni Kiesha. I miss my bestfriend.
"Si Ash----" at tuluyan nang umagos sa ang luha ko.
"Hala! Bakit ka umiiyak? May masakit ba?" Nangingibabaw sa boses niya ang pag-aalala.
Tuwing naiisip ko ang pagiging cold ni Ash, naiiyak ako. Tuwing binabalewala niya ako. Tuwing pagtanggi niya sa aya ko.
"Halika nga! Baka mamaya eh may makakita sayo! Ako pa sisihin na pinaiyak kita eh." Hinayaan ko nalang siya na hilahin ako papunta kung saan-saan.
Nakikisabay naman ako eh.
Andito kami sa garden. Wala masyadong taong pumupunta dito dahil napaka-plain nang design. Kumbaga kung may problema ka, dito ka nalang pupunta. Dahil napaka-tahimik. Ang maririnig mo lang ang huni nang ibon, at pagaspas nang hangin.
"Iiyak mo lang." Rinig ko ang pagsabi ni Kiesha. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak sa balikat niya.
"Mas mababawasan 'yang nararamdaman mo, kung sasabihin mo sa'kin 'yang problema mo." Sabi pa niya.
Nang tumahan na ako sa pag-iyak. Umayos ako nang upo.
"Kiesha, Diba si Ash, sweet, caring, possesive? Eh bakit naging cold siya? Bakit nawala lahat yung dating Ash na kilala ko dati? Yung dating Ash na palatawa, ngayon palaging face palm. Yung Ash na titigan mo lang sa mata ramdam ko na, na mahal niya ako. Pero ngayon? Titigan mo lang mata niya, ang makikita mo lang wala. Walang kaemosyon. Hindi na ba niya ako mahal? Sawa na ba siya sa'kin? Ayaw niya na ba? O baka may iba na siya?" Sa huling salita kong 'yon. Tumulo naman ang luha ko. Nakakainis na luha!
"Baka may reason lang si, kuya. Lately kasi para siyang problemado eh. Napapagod kana ba?" Tanong pa niya.
"Hindi." Tipid na sagot ko.
"Wag mo siyang susukuan, Nikki. Alam kong mahal ka pa ni Kuya. Ramdam ko yun." Pagpapa-cheer up sa'kin ni Kiesha.
Oo, Ash. Hindi pa kita isusuko. Hindi ako susuko dahil sa pambabalewala mo lang sa'kin. Kung meron man na isang daan na problema ang meron ka. Hahanap at hahanap pa rin ako nang isang solusyon para ipaglaban ka.
Nathan Ash's POV
"Hi babe? Miss me?" Naiirita ako sakniya!
"Fvck off." cold na sambit ko.
"Hays. My dear future husband. Hindi mo ba talaga maintindihan na magkaka-anak kana. Tayo." Natutuwang sambit pa niya.
"Alam ko yun! Pero IKAW ang ina? HAHA *fake laugh* Iniisip ko palang, para na akong nasa impyerno!" sagot ko.
Nainis pa siya sa sinabi ko pero ngumiti rin nang bahagya.
"Masasanay ka rin, Ash. Tanggapin mo nalang na magiging ASAWA mo na ako." Tsaka siya nagflying kiss at umalis na.
Napasandal ako sa upuan at napahilamos pa sarili kong mukha gamit ang aking palad.
Gusto ko man sabihin kay Nikki. Pero natatakot ako. Mahal ko si Nikki, Mahal na mahal.
*Flashback*
I'm here at my friend's house. Nagsasaya kami, nag-iinuman.
(A/N: Day pa 'po ito na sweet pa sila ni Nikki. Pero tapos na sila yung ganap na andun sila sa condo ni Ash.)
There I met, Tiffany. Unang tingin palang niya sa'kin parang may pagnanasa na.
Uminom nalang ako nang uminom, hangga't malasing ako.
At pagkagising ko sa umaga.
There, I saw Me and Tiffany sleeping in one bed. And.... and...
Were Both Naked.
Nalaman ko nalang na buntis na pala si Tiffany. Naniwala naman ako kasi may posibility naman eh. We just s3x. Pero lasing ako nun kaya hindi ko alam ang totoong nangyari. Nakakainis man isipin pero 'ANAK' 'ko ang batang dinadala niya.
Kaya pumayag ako. Pumayag ako na pakasal sakniya next year.
At dahil dun. Nagiging cold na ako kay Nikki. Masakit man, kasi alam kong nasasaktan siya. Pero ito ang makakabuti sakniya/ sa'min.
*end of flashback*
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend's Elder Brother #WATTYS2016 'ONGOING'
Teen FictionKyaahhh! Dito nag-uumpisa ang lovestory na magbestfriend na ang bestfriend niya ay may kuya. Awtsu! Basahin niyo nalang. I'm sure ma-eexcite kayo Uhmmm. Sobrang matatagalan ang update nito.