Chapter 2
Mag isa akong kumakain ng breakfast nang marinig kong may pababa ng hagdanan. Sino pa nga ba? Ang nag-iisang kapatid kong sinasabi ng marami na isa daw Anghel dahil sa taglay niyang kabaitan.
Pero ang hindi nila alam na ang tinatawag nilang Anghel ay may sungay at buntot na nakatago.
Naiirita talaga ako sa pagmumukha ng babaeng nakikita ko ngayon. Akala mo naman napakaganda niya pero hindi naman. Yeah! Sabihin na natin na mas matangkad siya sa akin pero mas palaban ako.
'Yong tipong kaya ko siyang gabutan sa harapan ng maraming tao para lang mapahiya siya. Hindi lang sabunot ang maabot niya mula sa akin dahil kakalmutin ko din siya.
Malay ko bang nangangati na siya at gusto lang magpakamot.
Muli akong tumingin sa kanya at ang gaga binagalan ang pagbaba ng hagdan. Feel na feel ang pagbaba ng hagdan na animo'y may nag-iintay na prince charming sa kanya sa ibaba.
Hinihiling ko na sana mahulog siya sa hagdanan na tipong hindi na siya makakalakad at gagapang siya na parang ahas.
"Good morning, Alexandra!" masayang bati niya sa at kaagad na umupo sa harapan ko kaya napairap ako.
"What is the good in the morning?! " mataray kong tanong at ibinagsak ang kutsara ko sa plato na naglikha ng malakas na ingay.
"I thought we're okay?! You kissed me lastnight and you even smile at me," naguguluhan niyang sabi kaya natawa ako dahil napaka assuming din pala ng babaeng 'to.
"Are you kidding me?! We're not okay, FOREVER AND EVER!" wika ko habang natatawa at inirapan ko siya dahil naiirita na ako sa mukha niyang kunwari maamo.
Hindi nila alam na sa likod ng inosenteng mukha ng babaeng 'to. May kalandiang hindi niyo inakala.
Tumayo na ako at umalis na sa lugar na 'yon dahil panira siya ng araw. Ang sarap kumain ng mag isa ng dumating siya. Mas nanaisin ko pang kumain ng mag-isa kaysa makasabay ko ang babaeng 'yon.
Favorite ko pa naman ang hipon at nung tinitigan ko kanina, mukha niya ang nakita ko kaya parang gusto kong masuka dahil para akong kumakain ng malandi at baka kumalat pa sa katawan ko.
Pumunta ako sa Boutique na pinatayo kong mag-isa gamit ang perang inipon ko. Yeah! Kaya ko ng mabuhay ng walang nagbibigay sa akin dahil mayaman na ako pero wala akong sariling bahay dahil ayaw kong iwanan si Dad sa babaeng 'yon.
Isa akong sikat na Fashion Designer kaya maraming na akong boutique na nagkalat sa iba't-ibang panig ng mundo.
That's why I'm rich at proud ako sa sarili ko dahil nakayan kong mag-isa na tumayo sa sarili kong mga paa at dahil sa aking kakayahan.
Hiniling ni Mommy na huwag akong umalis sa mansyon na 'yon kahit na anong mangyari. Nangako ako kay Mom at tutupadin ko 'yon. Wala akong balak na biguin si Mom at wala din akong balak na tigilan ang babaeng 'yon.
"Kamusta ang pagbebenta?" tanong ko sa pinagkakatiwalaan ko na nagtatrabaho sa boutique ko.
"Halos paubos na po lahat yung bagong labas niyong gown at nagkaka-agawan nga po sila kanina dahil last na 'yon. Ganun din po sa Russia, Italy, Korea at Thailand at nagre-request pa sila na magpadala ng magagandang damit." nakangiting balita nito habang pasulyap sulyap sa kanyang phone upang tingnan siguro ang mga nag request pa ng ibang bansa.
Ganyan ako kasikat na kahit ibang bansa ay kilaka ako. Marami na din akong nakilalang sobrang sikat na actor at actress sa ibang bansa para lamang magpagawa ng design sa akin.
Minsan sila pa ang dumadayo dito sa pilipinas makilala lamang ako at hindi lang 'yon dahil madami na ding nag-interview sa akin dahil sa ganda daw ng mga design ko.
BINABASA MO ANG
Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM)
Teen Fiction(#1) "YOU BITCH! HOW DARE YOU! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?! ARE YOU HAPPY THAT YOU RUINED MY LIFE?! gigil na sigaw niya sa akin at sinampal ako. "DO I LOOK HAPPY? NO! I'M NOT HAPPY! YOU RUINED MY LIFE, MY EVERYTHING, MY HAPPINESS. HOW COULD I DO T...