Chapter 23
"Wear this, I'll take a bath outside." sabi ni Henry at may binigay siya sa aking paper bag na kaagad ko namang tinanggap.
Nginitian ko siya pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto niya para maligo sa ibang banyo kaya naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto niya
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto niya at hindi ko mapigilang humanga dahil ang linis ng loob ng kwarto niya.
Matapos naming maglaro sa ulan kanina ay naisipan muna naming sa kanilang bahay muna kami pumunta dahil malapit lang naman 'to sa park.
Malaki ang bahay nila at halatang architect ang nagdesign. Pumasok na ako sa loob ng banyo para maligo dahil ayaw kong magkasakit at alam ko naman na walang mag-aalaga sa akin.
Pagkatapos kong maligo sa loob na din ako ng banyo nagbihis. Nagtataka ako kung saan nakuha ni Henry ang damit na binigay niya sa akin. Biglang namula ang mukha ko dahil may kasama palang undies at bra sa loob ng paper na binigay niya.
Matapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng banyo at umupo ako sa gilid ng kama niya ng biglang dumako ang tingin ko sa closet niya.
Parang may nagsasabi ng buksan ko 'yon kaya tumayo ako para matingnan ko ang loob ng closet niya dahil curious talaga ako.
Pagbukas ko ng closet niya nagulat ako sa nakita ko.
"Are you done? Sh*t!" gulat niyang sabi nang makitang bukas ang closet niya at dumako ang tingin niya sa akin.
May 100 na patay na tao ang nandoon pero joke lang. Gulat na gulat akong tumingin sa kanya ng mapansin kong bagong ligo lang din siya katulad ko.
"This are all my design." gulat kong sabi at muling tiningnan ang loob ng closet niya.
Sino ang hindi magugulat kung nakita mo ang loob ng closet niya na punong-puno ng damit at polo na ako ang mismong nag design.
Wala akong ibang nakikitang brand dahil aking design lang ang lahat na nasa loob ng closet niya.
"I'm your #1." aniya habang nahihiyang nakatingin sa akin.
Natawa ako sa itsura niya dahil para siyang isang tuta na pinapagalitan ko dahil ang cute niya.
Nakayuko siya habang namumula ang tenga isabay mo pang nagkakamot siya ng kanyang batok.
"Talaga?" gulat kong tanong sa kanya dahil hindi pa din ako makapaniwala.
"Y-yes." nauutal niyang tugon kaya napangigi ako.
"You can be my model." sabi ko ng bigla siyang tumingin sa akin habang nanlalaki ang mata niya.
"What?" tanong niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"My model." muli kong sabi habang nakangiting nakatingin sa kanya.
"Oo naman." masaya niyang tugon at sumilay na ang ngiti sa labi niya.
Umupo ako sa kama niya habang napatingin naman ako sa center table niya. Kinuha ko ang picture frame na nando'n at pinagmasdan ko kaya hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko 'yon.
Silang dalawa ni Drew ang nasa picture na halatang kinuhanan noong elementary pa sila dahil ganito ang uniform namin dati. Nakakalungkot lang dahil lumipat kami ng school.
Ginusto ko din naman 'yon dahil ayaw kong pag-usapan ako ng marami tungkol sa pagpapahiya sa akin ni Drew noon. Sabihin na natin na naduwag ako dahil sa nangyaring 'yon.
Pahiyain daw ba sa harapan ng marami si Alexandra na halos lahat ng kababaihan ay kinaiinggitan. Sino kaya ang hindi mahihiya kapag sayo nangyari 'yon.
BINABASA MO ANG
Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM)
Novela Juvenil(#1) "YOU BITCH! HOW DARE YOU! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?! ARE YOU HAPPY THAT YOU RUINED MY LIFE?! gigil na sigaw niya sa akin at sinampal ako. "DO I LOOK HAPPY? NO! I'M NOT HAPPY! YOU RUINED MY LIFE, MY EVERYTHING, MY HAPPINESS. HOW COULD I DO T...