Chapter 50
"What is the meaning of this?" gulat kong tanong kay Henry at Bianca na magkasama.
Umuwi na si Bianca dito sa Pilipinas last month noong pagkatapos ng birthday ni Ate Yvette. Hindi nga siya makapaniwala na kaya kong gawin ang bagay na 'yon pero alam kong naiintindihan niya ako. Hindi niya akalain na ganun pala ang naging plano ko.
"Ikaw na ang lang magsabi" nahihiyang sabi ni Bianca kay Henry at mahina nitong kinurot ang braso ni Henry kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Ikaw na" sabi naman ni Henry kay Binaca.
"You first" wika ni Bianca at sinamaan niya ng tingin si Henry.
"Ladies first" sabi naman ni Henry.
"Ako na lang kaya ang magsasabi ng gusto niyong sabihin." sarcastiko kong sabi sa kanilang dalawa dahil naiinis na talaga ako sa kanila.
"Sure" malapad na ngiting sabi ni Bianca.
"Why not?" sabi naman ni Henry.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at kinurot kong pareho ang tenga nila. Nakakainis talaga ang dalawang 'to dahil para silang mga tanga. Anong sasabihin ko sa sarili ko eh wala nga akong kaalam alam sa estado nilang dalawa.
Nakita ko lang silang dalawa na magkasama sa isang coffee shop at masayang nagtatawanan. Ano 'yon? Friendly date lang? Don't me!
"Ouch" daing ni Bianca ng kurutin ko ang tenga niya.
"Stop it Alexandra" sabi naman ni Henry kaya binitiwan ko na ang tenga nilang dalawa.
"Sasabihin niyo naba ang gusto niyong sabihin?" Irita kong tanong sa kanilang dalawa kaya nagtinginan sila sa isa't-isa.
"She's my fiancee dahil siya ang tinutukoy ni Lolo na gusto niyang pakasalan ko." wika ni Henry kaya nanlaki ang mata ko dahil sa nalaman ko.
What a small world huh?!
"Seryoso? Legit? Real na real?" gulat kong tanong at sabay silang tumango.
"Promise gurl totoo ang sinasabi niya na mag fiance kaming dalawa. Gusto namin kilalanin ang isa't-isa dahil wala naman kaming magagawa kundi ang sundin ang utos nila." wika ni Bianca.
"Okay! Enjoy your date! Gotta go" paalam ko sa kanila at kinawayan ko sila bago ako umalis.
Pagkarating ko sa mansyon namin sumalubong agad sa akin si Daddy. Halata sa mata niya ang lungkot habang nakatingin sa akin.
Noong naging okay na kami ni Ate Yvette dito na ulit ako sa mansyon tumitira. Tinupad ko ang pangako ko kay Mom na babalik ako sa mansyon na 'to dahil sa simula palang dito naman talaga ako nakatira.
"Are you sure baby? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" malungkot na tanong ni Dad.
"Sure na sure po ako Daddy dahil gusto kong magsimula ng panibagong buhay sa France. Gusto kong ipagpatuloy ang trabaho ko doon. Kakalimutan ko na lahat ng sakit na naramdaman ko dito. I'm sorry Dad pero hindi ko na babaguhin pa ang isip ko at tutuloy na akong papunta ng France" malungkot kong wika at niyakap ko si Dad.
"I will miss you baby" malungkot niyang sabi at hinaplos ang likod ko.
"Ako din Dad. Mami-miss ko kayo ni Ate." sabi ko ay hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Dad dahil mamimiss ko talaga siya.
-
Dalawang oras kong hinihintay sina Bianca pero mukhang wala silang balak na magpaalam sa akin. Tinex ko naman silang lahat na pumunta sa mansyon namin para makapag paalam ako ng maayos sa kanila.
BINABASA MO ANG
Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM)
Teen Fiction(#1) "YOU BITCH! HOW DARE YOU! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?! ARE YOU HAPPY THAT YOU RUINED MY LIFE?! gigil na sigaw niya sa akin at sinampal ako. "DO I LOOK HAPPY? NO! I'M NOT HAPPY! YOU RUINED MY LIFE, MY EVERYTHING, MY HAPPINESS. HOW COULD I DO T...