Chapter 39
Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang lamesang nasa harapan ko. Oo! Masakit ang nakita ko kanina na para bang sinasaksak ng maraming beses ang aking dibdib.
"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Henry sa akin.
Nginitian ko siya pero ang totoo niloloko ko lang ang sarili ko. Pinipilit kong ngumiti kahit na nasasaktan ako. Pagod na pagod na akong umiyak ng dahil sa kanya.
Pagod na pagod na akong umasa na mahal niya rin ako.
Nasasaktan na nga ako kay Dad dahil mas pinipili niya ang babaeng 'yon kaysa sa akin tapos masasaktan padin ako ng dahil lang sa lalaking 'yon.
Ano bang merong kamalasan ang dala ng babaeng 'yon.
Napansin siguro ni Henry na nakatitig ako sa picture nilang dalawa ni Drew na nakapatong sa isang istante.
Bata pa silang dalawa doon at nerd pa si Henry samantalng si Drew naman ay nakasimangot ang mukha na nakatingin sa camera.
Mas matangkad si Drew kaysa kay Henry dahil halata naman sa picture na hanggang balikat lang ni Drew si Henry.
"I'm sorry" sabi niya at agad na tinaob ang litratong 'yon para hindi ko makita ang litrato nilang dalawa ni Drew.
Sumandal ako sa couch at binuksan ko ang flatscreen na TV. Dinala ako ni Henry sa condo niya at kanina pa ako naiiinis dahil parehong pareho sila ng loob ng condo ni Drew.
Ang naiba lang mas maganda ang aura dito kaysa sa condo ni Drew.
"Aren't you hungry?" tanong niya.
"No"
Wala akong ganang kumain ngayon at dahil siguro nasasaktan ako kaya nasusungitan ko din si Henry na wala naman kasalanan.
Gusto ko talagang sugudin ang babaeng 'yon pero sino nga ba ako para gawin ang bagay na 'yon dahil sa una palang wala akong karapatang na mag selos dahil wala namang kami ni Drew at hindi niya naman ako mahal.
"Please kainin mo 'to kahit na kaunti lang" aniya at inabot siya sa akin 'yong pagkain na nasa tray.
"Thank you Henry" nakangiti kong wika at kinuha ko 'yong tray na may pagkain sa kanya. Nginitian niya lang ako at ginulo ang buhok.
"Alam kong gusto mong mapag-isa kaya lalabas muna ako sandali at kapag kailangan mo ako tawagin mo nalang ako."
"Okay" sabi ko at nginitian ko siya.
Tumayo na siya at lumabas ng condo niya kaya syempre ako ang naiwan ditong mag-isa sa loob ng condo niya.
Hindi naman ako 'yong tipo ng tao na kapag nasaktan ay kaagad na maglalaslas o di kaya ay magpapakamatay.
Mahal ko pa ang sarili ko para gawin ang bagay na 'yon at ang babaw ko naman kapag nagpakamatay ako dahil lang nasaktan ako.
Hindi lang naman si Drew ang lalaki sa mundong 'to kaya alam kong may makilala pa ako na mas better pa sa kanya.
Si Henry, hindi ko siya makita bilang boyfriend ko. Alam kong masasaktan siya kaya mabuti pang mas maaga ko na sasabihin sa kanya na wala akong nararamdaman sa kanya para huwag na siyang umasa sa akin.
May nakita akong photo album sa ilalim ng mesa at kaagad kong kinuha 'yon.
Hindi ko alam na noong bata pa pala kami ay ka close na nila ang babaeng 'yon dahil halos lahat ng litratong nandito ay magkakasama silang tatlo.
Naiinis ako sa nakikita ko at gusto kong punitin ang mga litrato kung saan kasama ang babaeng 'yon. Si Henry kahit nerd halatang gwapo sa litratong 'to.
BINABASA MO ANG
Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM)
Novela Juvenil(#1) "YOU BITCH! HOW DARE YOU! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?! ARE YOU HAPPY THAT YOU RUINED MY LIFE?! gigil na sigaw niya sa akin at sinampal ako. "DO I LOOK HAPPY? NO! I'M NOT HAPPY! YOU RUINED MY LIFE, MY EVERYTHING, MY HAPPINESS. HOW COULD I DO T...