Chapter 11: Photoshoot

154K 3.6K 363
                                    

Chapter 11

Pagdating ko sa venue kung saan kami mag po-photoshoot kaagad nila akong pinagbihis pagkatapos ako na din ang nag make up sa sarili ko dahil isa din 'yon sa talent ko.

Kaya kong maging isang fashion designer at maging isang make up artist pero sayang lang sa oras kapag naging make up artist pa ako.

Nakatingin lang ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa kagandahan ko.

I was wearing a red dress that fitted to my body. Ako ang nag design nito kaya proud na proud ako na suotin 'to.

Pagkatapos kong pagmasdan ang sarili ko lumabas na ako ng kwartong 'yon ng makita ko si Drew na halatang inip na inip dahil palagi siyang patingin tingin sa wristwatch niya kasabay ng pagkunot ng noo niya.

Akala ko hindi siya sisipot ngayon sa photoshoot at talagang subukan niya lang na huwag sumipot dahil siguradong parang isang virus na kakalat ang sikreto niya sa buong mundo na baka kumalat pa sa ibang planeta.

"What took you so long?" inis na bungad niya sa akin kasabay ng pagkunot ng noo niya.

"Ikaw ang manager? Ikaw?" pang iinis ko ng mapansin kong kumuyom ang kamao niya dahil siguro sa inis kaya mas lumapad ang ngiti ko.

"Fvck!" inis niyang sabi habang halata na nagtitimpi na.

Tumayo siya kaya malaya kong napagmasdan ang sarili niya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siya dahil bagay na bagay sa kanya ang design ko na tuxedo na mas lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya.

"I don't like this, it's ugly." maarte niyang sabi habang pinagmamasdan ang sarili niya na may kasama pang pandidiri sa mukha niya.

"Anong ugly ka dyan? Ang gwapo mo nga dyan!" sabi ko at bigla kong natampal ang bibig ko dahil sa lumabas sa labi ko ng mapansin ko na ngumisi siya habang nakatingin sa akin na nakakapagpahina na naman sa tuhod ko.

"Magaling akong magdala kaya dapat pasalamatan mo ako. Stupid!" aniya at sumama na naman ang aura na bumabalot sa kanya na nakatingin sa akin.

"Fvck you!" inis kong sabi dahil kanina pa talaga siya.

"Okay!" nakangisi na naman niyang sabi at iniwan akong tulala.

Kung alam ko lang na ganito ang lalaking 'to hindi ko na siya dapat niyayang maging isang modelo ng mga design ko. Nakaka-stress lang ang lalaking 'yon. Sakit na nga sa ulo ang babaeng 'yon pati ba naman ang boyfriend niya.

Nagsimula na ang photoshoot kaya napagtanto ko na magaling talaga siyang humarap sa camera. Siya ang unang pinicturan at ako naman ang sumunod.

Pose lang ako ng pose nang mapansin ko na nakatingin siya sa akin, nakataas ang sulok ng labi niya kaya kumunot ang noo ko.

Nakakahiya man dahil babae ako pero nag middle finger ako sa kanya at binelatan ko din siya at ang gago tumango lang at kinindatan pa ako na halatang iniinis lang ako.

Napairap ako hangin sa dahil sa nararamdamang inis sa lalaking 'to. Ganito ba talaga ang ugali ng lalaking 'to. Sorang nakakakulo ng dugo.

Nakakabwisit at nakakairita dahil napaka-bipolar niya na dinaig pa ang nirereglang aso.

Ang sunod naman ay kaming dalawa habang magkasama. Nakaupo ako samantalang siya naman ay nasa gilid habang nakatayo.

Nakangiti ako sa harap ng camera samantalang siya ay seryoso lang na nakatingin sa camera.

Sumunod naman ay nakaakbay siya kaya nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko dahil ang sunod naman na ginawa namin ay nasa likod ko siya habang nakayakap siya sa bewang ko at ang chin niya ay nakapatong sa balikat ko.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon