Chapter 4: Billionare

189K 3.9K 504
                                    

Chapter 4

>FLASHBACK PART 2<

Bumalik sa alaala ko noong araw na pumanaw si Mom na makalipas ng dalawang taon. Sa tuwing matutulog ako nagbabakasakali ako na sana kahit sa panaginip ko magpakita si Mom pero umasa lang ako dahil kahit sa panaginip ko hindi nagpaparamdam sa akin si Mom.

Naging masama ba akong anak? Naging mabuti naman ako noong wala pa sa buhay namin 'yong babaeng yun.

Masasabi ko lang na hindi na kami masyadong close ni Daddy dahil hanggang ngayon nagtatampo parin ako sa kanya dahil parang mas pinipili niya ang babaeng 'yon kaysa sa akin. Sabihin na nating nagseselos ako sa kanilang dalawa.

"Wow! Ang sarap" manghang wika ni Daddy habang kinakain ang niluto ni Ate Yvette samantalang ako naman ay napairap habang nakatingin sa niluto niya. Malay ko bang may nilagay siyang lason dito sa pagkain ko.

Pinagmasdan ko si Daddy at nabakas sa mukha ko ang lungkot dahil magkasabay nga kaming kumain pero parang hindi niya ako napapansin dahil sa babaeng ito. Napatingin ako kay Ate Yvette ng bigla kong ikuyom  ang palad ko.

Inis na inis na talaga ako sa kanya dati pa dahil palagi nalang siyang pabida. Tulad nalang sa pagluluto, sa paglilinis, at sa aming school. Palagi siya ang Top 1 sa klase nila. Samantalang ako naman palaging Top 3. Ano bang magagawa ko kung hanggang Top 3 lang ang kaya ng utak ko.

"Yvette, can I have a favor?" tanong ni Dad sa kanya at pinunasan ang labi niya gamit ang puting panyo.

"Syempre naman Dad, ano yun?" tanong ni Ate Yvette kaya napasimangot ako dahil hindi ko talaga maiwasang mainis sa tuwing tinatawag niyang Dad si Daddy.

"Pumasok ako sa room mo kanina at nakita ko ang mga sketch mo. Ang galing mo palang mag sketch. Siguro magiging isa kang sikat naDesigner. Pwede bang ipag sketch mo ako para ako ang una mong costumer?" nakangiting wika ni Daddy sa babaeng 'yon.

"Sige po Dad! Anything for you." Masayang sabi ni Ate Yvette na ikinakuyom ng palad ko.

Para siyang si Jollibee dahil palagi nalang siyang pabida. Pabida sa lahat ng bagay..

"Daddy, marunong din po ako mag sketch. Gusto niyo din po ba?" proud kong sabi kay Dad ng mapansin ko na sumama ang tingin sa akin ng babaeng 'yon.

"Siguro hindi na! Kay Yvette nalang baby dahil ang galing niyang mag sketch. Maybe next time nalang? Atsaka ngayon ko lang nalaman na hilig mo din ang mag-sketch dahil wala sa amin ng 'yong ina ang may talentong ganun! " sabi ni Dad ng maramdaman kong kumirot ang dibdib ko dahil ang sakit lang na pati ang isa sa hilig ko hindi niya alam.

"Cr lang po ako" pagdaahilan ko at tumakbo patungo ng CR at nagkukong.

Iyak ako ng iyak sa loob ng CR dahil feeling ko ako ang sampid sa pamilyang ito. Nasasaktan ako dahil tinanggihan ako ni Daddy at mas pinili na naman niya ang babaeng 'yon kaysa sa akin.

Siguro dahil wala siyang tiwala sa akin kaya ni-reject ako ni Dad. Oo nga naman, akala lang siguro nila na kulang lang ako sa atensyon.

Sa tagal naming magkasama ni Dad hindi niya manlang alam na marunong pala ako mag sketch. Siguro nakatadhana na talaga sa akin ang maging isang fashion designer someday.

Simula ng dumating 'yong babaeng 'yun nakalimutan na ako ni Dad. Nakalimutan niya na may isang anak pa pala siyang anak na nangungulila sa pagmamahal.

Galit na galit na talaga ako sa babaeng 'yon. Palagi nalang siya ang tama sa paningin ni Daddy, siya na ang mabait at matalino, masipag at kung anumang chechebureche na wala ako. 

Sisiguraduhin ko na paglaki ko  gagantihan ko siya.

Pagsisisihin niya na naki-epal pa siya sa pamilya namin. Gagawin ko ang lahat para agawin ang lahat ng kinuha niya sa akin at sisiguraduhin ko na luluhod siya sa harapan ko para mag-makaawa.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon