I'm Amyssies

9 0 0
                                    

Chapter 1

-

I'm Amiesyss Roa, 18 years old, laking probinsya. Consistent honor student mula pa nang ako'y Day-care. (hindi masyadong proud no?) Role model ang tingin nila sa akin, ganyan talaga sa probinsya. And I hate it. Kung gaano ka kasi nila hinangaan, ganun ka din nila kamuhian pag ika'y papalpak. Kung kaya't lahat ng kilos at desisyon ko'y dapat tama at kanais-nais.

I'm living a simple life lang naman sana. My father, though a geodetic engineer in Saudi, chose to settle in a small town to be with us, kaya kumikita lang din ng sapat para sa pangangailangan namin and a little for our wants. Si mama naman, sa bahay lang.

Dalawa lang naman kaming magkakapatid, ako ang panganay at si Sesies syempre bunso kong kapatid na 5 years old pa lang naman sana, ang arte arte na.

Third year college na ako now in a top-performing state university of the country. It's in a city of about 8 hours of travel by bus. I'm living in my own in an apartment. Ang kurso ko? Education. Hindi nga sila makapaniwala, dapat daw engineering din para gaya ng papa ko. Paki ko naman? Bakit, sila ba ang kakain ng x, y, z, square root, cube root, and whatever? Samahan pa ng whiteboard-talking professors and head-breaking departmental exams. 'Yoko nga! Magtuturo nalang ako ng 1+1! *taas noo*

Dahil nag-iisang anak sana bago dumating tong si Sesies, grabe ang disiplinang pinagdaanan ko. Dapat ganyan ang paglakad, ganito ang pagsasalita at pakikipag-usap, ganun ang pagkain, at kung anu-ano pang chuchu. Sa murang edad, pulitika na ang pinag-uusapan namin ni papa, at news ang pinanonood. Mas naging practical ako sa mga bagay.

Nang mag-college ako, I wanted to be nobody. Yung tipong walang matang tumitingon sa'yo, wala kang dapat patunayan.

And yeah, it happened.

My college blockmates/classmates saw me as boring, others would say intimidating daw. Pero actually, I'm just afraid to show how I actually feel to those who are not that close to me.

Yeah, naiirita ako sa mga pa-childish ang tatanda na naman sana. Minsan nga nangbabara ako sa mga ganyan umasta, maldita tuloy ang tingin ng iba sa'kin.

Okey lang din naman, paki ko?

Wala akong ka close. Nagtatambay lang ako mag-isa sa school field, sa library, o sa canteen. For more than two years in college, my life goes that way. So peaceful.

Minsan trip ko ding matulog sa ward ng school clinic namin, aba'y para naman mapanginabangan ko yong taxes ng ng mga tao, state U kasi. Lakas din kasi ng aircon doon kaya't hilo-hilo din pag may time. At dahil likas na anemic naman talaga ako 'pag kinunan ng blood pressure, pasok na pasok akong gawing tambayan ang clinic.

Pagkauwi ko naman ng apartment kain tsaka tulog lang, at syempre school works. 'Pag sabado naman, mall ang tambayan, food court lang naman. Tuwing linggo nama'y nagsisimba't pagkatapos ay street foods ang puntirya. Masaya na ako sa buhay ko. Masaya kahit nag-iisa.

Minsan napaisip ako, mas masaya pa nga siguro si Cinderella, atleast siya, may mga daga't ibong nakakausap.

Pero masaya na nga din naman ako kaysa naman kausapin ako ng daga sa apartment, gross!

*sigh*

I'm not Cinderella, I'm AmyssiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon