A.R. 13

8 0 0
                                    

Chapter 2

Nagising ako sa pagtunog ng aking vintage alarm clock. When I checked the time, h*ck it's 7:05!!! 7:30 pa naman ang klase ko!

5 minutes lang akong naligo, tapos nagbihis. White sneakers, jeans and  a fitted black V-neck t-shirt lang, wala kasing uniforms dito. Then I slipped my brown-leathered sling bag. Sumubo ng tatlong kutsarang oats, nagtoothbrush at ng walang anu-ano'y tumakbo! Nag-jaywalk na din ako.

Ganyan ang buhay estudyante.

Nang malapit na ko sa college namin tagaktak na ang pawis ko kaya't naglakad nalang.

"Miss!"

Mabilis pa rin akong naglakad.

"Naka-black! May nahulog!" Sigaw niya.

Ako ba yun? *tingin sa suot* Ako siguro, kaya't lumingon ako. Paglingon ko, ah, mga security guard pala.

"Po?" mabilis kong tanong.

"Ah ano, nahulog... ang puso ko nahulog sa'yo!" At sabay pang nag "oooooy!" ang mga kasama niya.

Ay bwesit na mga baboy to ah, kaya't kahit late na ako'y binalikan ko sila. Nakakabastos eh!

Nilapitan ko 'yong gonggong na bumanat sa akin.

"Talaga?" Pa'sweet kung tugon.

Less than a meter yong distance namin. Tapos umakteng ako na may tinapakan at piniga gamit ang bago kong labang sapatos.

"Here, 5 pesos, bili ka nang bagong puso, natapakan ko kasi eh. Sorry."

Then fliped my hair and walked away.

Halata namang hindi sila naka-imik. haha.

*evil smile*

Saktong 7:30 na nang makarating ako sa room. Inayos ko muna sarili ko at pinahiran ang pawis ko bago binuksan ang door knob. Pagkabukas ko, wala pang tao. Kaya't binuksan ko nalang ang aircon at naupo. Lumipas ang limang minuto pero wala pa ring pumasok, imposible. Inikot ko ang tingin ko sa room and I saw a note on the board.

Im on leave, see you next week. Watch the RCS' Concert tonight and prepare a reaction paper.

-Dr. Gomez

Naman! Nice one Sir! Try mo ring tumakbo next time ha tapos di kami papasok!

Frustating way to start a day. Kainis! Sayang ang learnings!

Medyo nahihilo ako, wala pa pala akong breakfast. Wala din namam akong gana, so bumili nalang akong ng freshmilk tsaka nagpuntang field.

I sat beneath a tree, grabbed my pen and looked for my pocket-sized journal. I used to write my thoughts out: politics, issues, and also a bit of my feelings and dreams.

"Saan na 'yun?" I said to my self while searching for my journal. I'm sure I placed it in my bag's pocket kanina. Hinalungkay ko na lahat, wala talaga. "no...pakita ka na please."

Wala talaga, nahulog siguro 'yon kanina nang nagtatakbo ako. Childish act ko pa naman 'yon. I haven't wrote my name on it naman, only my initials A.R. '13

I'm not Cinderella, I'm AmyssiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon