Chapter 15

17 2 0
                                    

Si Chris po yung nasa taas.. yung kaibigan rin nila Jasmine na namatay sa sakit na leukemia.. na BF po ni Faye.. magkapatid nga rin po pala si Sharley at Chris..

******

Jasmine Grace POV

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko... umupo ako sa kama..

Inisip ko yung mga nalaman ko kanina... hindi pala girlfriend ni Ethan yung kasama nya.. Si Vhelle pala iyon.. at magpinsan pala sila.. ngayon ko lang nalaman na may pinsan pala si Vhelle dito.. at si Ethan yun..

Pinairal ko kasi yung mga nakita ko eh.. hindi ko muna sya tinanong kung GF ba nya yung kasama nya..

Hayy... tama na nga tong pag iisip ko.. pupunta muna ako ng park.. tatambay nalang muna ako dun...

Lumabas na ako ng bahay at naglakad patungong park.. pagdating ko dun ay nakita ko yung mga bata na naglalaro sa playground. Mga naggagandahang mga bulaklak.. mga magpamilyang masayang nagpipicnic.. Mga mag BF/GF na inlove na inlove sa isat isa na nagdadate..

Hay... ganyan na ganyan rin yun nung una kong nakita si Ethan dito.. nung aksidenteng nakunan ko sya ng litrato..

Nang dahil lang dun.. nang dahil lang sa aksidenteng pagkuha kong yun.. Nagulo tong puso at isip ko.. nagulo ni Ethan yung buhay ko.. Ginulo nya ito na para syang isang bagyo na pumasok sa isipan at puso ko at hindi ako tinantanan hanggang sa nahulog na ako.. sana bago nya ako ginulo.. sana naisip nya na kung gugulohin nya ng ganito ang puso ko ay nandyan sya handang sumalo sakin kung sakali mang mahulog ako..

Ngayon.. sa pangalawang pagkakataon.. Nasaktan naman ako ng dahil lang sa salitang love.. *sigh* ganito ba talaga ka complicated ang love??..

Pumunta ako sa may swing kung saan una kong nalaman at nakilala si Ethan.. na syang unang lumapit sakin para magpakilala... napakasaya ko nun .. kahit na sandali lang yun.. kasi ganyan naman tayo diba girls??... nagiging masaya tayo pag nagpapakilala satin yung crush natin..ganyan kasi tayo kababaw.. siguro nga crush ko pa lang sya nun.. pero hanggang sa tumagal ay nagiging love na eh..

Pagdating ko dun ay may nakita akong lalaking nakatalikod sa akin na nakaupo dun sa isang swing.. may kasama syang aso.. ang kyut nga ng aso eh.. pangmayaman talaga.. siguro mayaman din tung amo nito.. hindi ko na lang sya pinansin at pumunta sa bakanteng upuan ng swing..

Umupo ako dun at yumuko... hayy!!! Bat ba ang laki ng epekto mo sa akin ethan.. pwede ba wag mo nang gulohin ang isip ko.. kahit ngayon lang.. please lang umalis ko muna sa isip ko.. gusto ko munang magpahinga sa kakaisip sayo...

Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko.. pinahid ko ito at inangat ko ang ulo ko..

"*sigh*.." rinig kong buntong hininga ng katabi ko.. tiningnan ko ito at nagulat ako ng nakita ko ang pagmumukha ni ethan.. Nakita ko si ethan.. sya yung katabi kong lalaki na may kasamang aso??.. bat hindi ko sya agad nakilala??.. atsaka hindi rin ba nya ako nakita??.. o hindi ba nya naramdaman na may katabi sya o naramdaman ang presensya ko??..

"Uhm.. hi.." sabi ko sa kanya..

"Uhm.. hello??" Patanong na sabi nito..

Hindi ba talaga nya ako nakilala o nakikita???.. naguguluhan na talaga ako..parang may mali kasi eh..

Pumunta ako sa harap nya at iwinagayway ko ang aking mga kamay.. wala syang reaksyon sa ginagawa ko... ano ba talagang nangyayari??..

"Uhm.. Ethan hindi mo ba ako nakikita??" Nag alinlangang tanong ko...

"Huh???.. ahm....."

"Ethan..Sabihin mo sakin ang totoo.. bulag ka ba??" Tanong ko ulit ng hindi nya ako masagot..

"Ethan sumagot ka..."

"Oo.. bulag nga ako.. ibinigay ko kasi sa babaeng mahal ko yung mga mata ko..." nagulat ako sa sinabi nya..

"Paanong....."di makapaniwalang sabi ko..

"Ayaw ko kasing makita ang babaeng mahal ko na nahihirapan dahil hindi sya makakita.. kaya ibinigay ko sa kanya ang mga mata ko.. mas mabuti pang ako nalang ang maghihirap wag lang sya.. ganon ko sya ka mahal..." sabi nya..

Wala akong masabi sa mga sinasabi nya sa akin.. nagulat ako sa mga narinig ko.. hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko..

"Kailan pa??.. kailan ito nangyari??.. kailan mo idinonate ang mga mata mo??" Umiiyak na tanong ko sa kanya..

"Nung isang araw lang.. nalaman ko kasing nabangga ang kotse ng babaeng mahal ko sa isang malaking truck at nabulag sya.. kaya hindi ako nag alinlangang idonate ang mga mata ko.." sabi nya..

"Ethan..bakit mo ginawa iyon?? Hindi mo naman kailangan gawin yun eh.. hindi mo naman kailangang isakripisyo ang mga mata mo para lang sa akin.. kasalanan ko naman kung bakit nangyari sa akin yun eh.. kasalanan ko kung bakit ako nabulag..kaya hindi mo dapat ibinigay ang mga mata mo.. sabihin mo nga sakin.. ikaw ba ang nagdonate ng mga mata para sa akin?? Gusto ko lang marinig mula sa iyo..'' sabi ko..

"Oo.. kahit na mahirapan ako dahil wala na akong nakikita.. okay lang dahil nandun naman sa babaeng mahal ko ang mga mata ko eh.. Mahal na mahal kasi kita Jasmine.. nung una palang kitang nakita dito sa park na masayang masayang kumukuha ng mga litrato ay nainlove na ako sayo... dahil kahit simpleng bagay lang na ginagawa mo ay masaya ka na.. kaya nung nakita kita dito sa swing na parang may iniisip at walang kasama ay hindi ako nagdalawang isip na puntahan ka para magpakilala.. kahit na saglit lang yun dahil tumawag sakin si mom na dumating raw yung pinsan kong si Jayvhe at ipinasundo sya sa akin.. masaya na ako nun dahil sa wakas ay nakapagpakilala narin ako sayo.... kaya kung may magagawa man ako para sayo ay hindi ako mag dadalawang isip na gawin at ibigay iyon para sayo.." sabi nya..

Hindi ako makapaniwala... Mahal nya ako?? Kung ganon pareho kami ng nararamdaman sa isat isa...

"Okay lang na hindi mo ako mahal o wala kang nararamdaman sakin.. na kaibigan lang ang turing mo sa akin. Masaya na ako na may parte ng katawan ko na nasa iyo.." sabi niya at tumayo na at nagsimula ng naglakad paalis sa swing... san sya pupunta?? Hindi man lang ba niya aalamin ang sagot ko?? Diba parang umaamin na sya sa nararamdaman nya... ganon na lang yun?? Di na nya aalamin ang nararamdamin ko sa kanya?? Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyon??...

"GANON NA LANG IYON??.. PAGKATAPOS MONG SABIHIN NA MAHAL MO AKO HINDI MO MAN LANG AALAMIN ANG NARARAMDAMAN KO?? KUNG MAHAL RIN BA KITA??... AALIS KAN NALANG NG GANON GANON??.." sigaw ko nang nakakalayo na sya..

Bigla syang huminto.. siguro narinig nya yung sinigaw ko..

"MAHAL RIN KITA ETHAN.." sabi ko... bigla syang bumalik at naglakad patungo sa akin..
Nang nakalapi na sya ay bigla syang nagsmile at nagsabing...

"Talaga??..."

"Oo.. mahal din kita.. alam mo bang nabangga ako dahil sayo??.. dahil nakita kitang may kasamang babae at ang sweet nyo.. pero nalaman ko lang kanina na pinsan mo lang yun.. na pinsan mo lang si Vhelle..."

"Kilala mo ang pinsan ko???.. kilala mo si Jayvhe??." Tanong nya ..

"Oo.. bestfriend ko sya..."sabi ko..

"Teka... sabi mo kanina na mahal mo ko.. at mahal rin kita..kung gayon pwede na ba kitang maging GF??" Sabi nya at nagsmile ng todo todo...

"Ahmm.. eh alam kong nasabi ko na mahal rin kita.. pero kung may balak ka ..kailangan ligawan mo muna ako no.. pangarap kaya naming mga babae na ligawan muna bago kayo sagutin.. kaya ligawan mo muna ako.. ." nahihiyang sabi ko sa kanya..

"Hmm.. osige..liligawan muna kita"sabi nya...

****to be continue*****

Ang sunod na chapter po ay last chapter na po.. 17 chapter lang po ito.. sana magustuhan nyo po..

Comment at Vote din po kayo.. thank you!!!

kamsahamnida..:-D :-D

Stolen Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon