Chapter 10

15 2 0
                                    

Nanay Rose POV

*Kring kring*

Naglilinis ako ng bahay ng mag ring ang telepono.. lumapit ako sa telepono at sinagot ito..

"Hello"

"Kamag anak nyo po ba si Jasmine Grace Lopez??" Tanong ng kausap ko sa telepono..

"Oho.. bakit anong nangyari sa alaga ko??" Sabi ko... kinakabahan ako..

"Pulis po ito.Dinala po siya sa St. Vincent Hospital.. nabangga po ang sasakyan nya sa isang malaking truck.." sabi nito..

"Ano??.. sige po .. pupuntahan ko siya.." sabi ko at binaba na ang telepono.

Ano bang nangyari sayo anak?? Diyos ko..

Dali dali kong pinuntahan si Rey ang driver ng pamilyang Lopez at sinabihan na pupunta kaming ospital..

Nang nakarating kami sa ospital ay dali dali kong tinanong kung saang room si jasmine..

"Sa room 231 po maam" dali dali akong pumunta sa room 231..

Pagdating ko dun ay nakita ko si jasmine na nakahiga sa kama.. ang dami nyang pasa.. may benda rin ang ulo nya.. diyos ko.. ano bang nangyayari sayo anak..

Awang awa ako sa itsura ng alaga ko ng dumating ang doktor..

"Kayo po ba ang kamag anak ng pasyente??" Tanong ng doktor..

"Oho.. kumusta na po sya dok?" Tanong ko..

"Ikinalulungkot ko po.. pero malubha po yung lagay nya.. napuruhan po yung mata nya.. baka hindi na sya makakita dahil nabasag ang salamin ng kotse nya dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga nya sa truck.. may mga bubog na pumasok sa mga mata nya.." mahabang sabi ng doktor..

"diyos ko po..may pag asa pa po ba syang makakita dok??" Tanong ko..

"Kailangan natin syang operahan..  para maagapan.. pero kung hindi ito maagapan ay kailangang may magdonate ng mata para sa kanya..." sagot nito..

Saan naman kami hahanap ng magdodonate ng mata??. Kailangan tong malaman nila maam..

"Sige po maam maiiwan ko muna kayo" sabi ng doktor at lumabas na ng pinto..

Tinawagan ko sila maam Louisa..

*kring kring*

"(Oh nanay rose ..napatawag ka??)" Tanong ni maam..

"Maam si Jasmine kasi eh.. nabangga po sya sa isang truck... malubha po ang lagay nya ngayon.. masyadong napuruhan yung mata nya sabi ng doktor.. kailangan daw may magdodonate ng mata para sa kanya maam.. para makakita syang muli.." nag alalang sabi ko kay maam..

"(Po?? Diyos ko.. anong nangyayari sa anak ko??.. O sige nanay rose... Kukuha ako ng ticket ngayon.. uuwi kami ngayon din.. maghahanap narin kami ng donor..)" nag alala ring sabi ni maam..

"Sige po.."sabi ko at ibinaba na ang telepono..

Jasmine anak.. bat ba kasi nangyari sayo toh??.. gumising ka na anak......

Gabi na pero hindi parin nagigising si jasmine..
Hindi ko namalayan ay nakatulog ako sa tabi ng kama ni jasmine..

Nagising ako ng biglang gumalaw yung kamay ni jasmine..

"Jasmine anak.. anong masakit sayo??" Tanong ko sa kanya..

"Nanay ... ano pong nangyayari?? Bat po hindi ako makakita?? Nanay..." nagpapanic at umiiyak na tanong ni jasmine.. naaawa ako sa alaga ko.. bat ba kasi nangyayari to sa kanya?? Mabait na bata si jasmine kaya hindi sya deserving na maging ganito..

"Shh.. tahan na anak..napuruhan kasi yang mga mata mo.. nung nabangga ka daw sa malaking truck.. natalsikan yung mga mata mo dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga.. wag kang mag aalala anak.. uuwi ang mom at dad mo at naghahanap na sila ng donor ng mata kaya tumahan kana.." pagpapatahan ko sa alaga ko..

"Pero pano po pag walang mahanap na donor sila mom?? Pano na po ako.. hindi na po ako makakita kailanman??.." umiiyak paring sabi ni jasmine..

'Tahan na. Hindi kami titigil hanggat hindi kami makakita ng donor kaya wag kanang umiyak.." niyakap ko si jasmine.. maya maya ay tumigil narin sa pag iyak si jasmine..

"Nanay thank you po ha.. kasi kayo po yung palaging nandyan para sa akin.. thank you po.." sabi ni jasmine..

"Sus.. syempre.. itinuturing narin kitang tunay na anak..at pangako dito lang ako lagi sa tabi mo.. sige na magpahinga ka na ulit anak.." sabi ko sa kanya..

Tumango lang sya at humiga na ulit.. maya maya ay nakatulog na ulit sya..

Hayy.. sana may makitang donor na sila maam.. kawawa naman yung alaga ko .. hindi sya deserving sa ganito...

****to be continue****

Comment and vote po kayo..

Thank u po ng marami..!!

Kamsahamnida

Stolen Love ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon