Chapter 7: "The New"

10.4K 148 3
                                    


Jho's POV

It's been one year, no texts, no calls, all is nothing. Nakalimutan nya na nga siguro talaga ako. Binaliwala nya na ang lahat. 

Bakit pa kasi ang tanga ko? Bakit ko ba sya hindi ipinaglaban kahit na alam ko naman na may nararamdaman din sya para sa akin?

"Aly? Masama ba talaga ako?" malungkot kong tanong sa kanya. 

"Ano bang tanong yan Jho? Hindi ka naman masama. Tsaka tignan mo yang sarili mo. Jho?! Isang taong na ang lumipas. Siguro nga nakalimutan ka na nya eh. Pero ikaw? Anu bang ginagawa mo sa sarili mo? Habambuhay ka nalang bang sisisihin yang sarii mo?.." sagot nya at ibinaba ang librong binabasa nya. 

Nandito kami sa rooftop ng school. Kanina pa ang uwian namin pero nagpasama ako sa kanya dito. Lagi akong ganito. Minsan umaakyat ako ng mag-isa dito ang laging inaalala ang nakaraan. 

"Per-"

"NO BUTS Jho. This time gusto na kitang realtalkin. Yung totoo? Kailan ba babalik ang dating Jho na nakilala ko?" sabi nya at inayos ang pagkakaupo at humarap sa akin. 

"Jho... She also made her decisions. Hindi lang akaw may kasalanan dito. Kung mahal ka talaga nya di ka naman nya basta batsa lang na iiwan... Ayusin mo na yang buhay mo Jho. May mga tao parin na umaasa at nagmamahal sayo. Wag mo hayaang maging miserable ang buhay mo dahil lang sa nawala sya sayo. Bagkus ay ipakita mo na worth it ka, para kung sakaling babalik man sya makita na mas matured kana... na kaya mo ng ihandle ang mga bagay- bagay." 

Dahil sa mga sinabi nya ay lalo akong napaluha. Para akong sinampal ng katotohanan. Bakit ko nga ba hinayaan ang sarili ko ng maging ganito. Halos nakalimutan ko narin na may pamilya pala ako. May mga kaibigna pa pala ako na umaasa at nagmamahal sa akin. 

Niyakap nya ako ng mahigpit at pilit akong pinapatahan. 

"Maraming salamat Aly. Kung di mo pa yun ipinaalala sa akin muntik ko pang makalimutan na may pamilya pa pala ako. May mga tao parin pala na nagmamahal at nagpapahalaga sa akin." 

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at itinayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig. Habang ginagawa nya iyon ay sya namang pagsasalita.

"Nandito kami Jho.." she lift me up. "Itatayo ka naming muli para maging matatag" this time nakatayo na kaming dalawa. 

"Unti-unti mong ihakbang ang iyong mga paa patungo sa tunay na ikaw." at inalalayan nya ako. "Una mong ihakbang ang kaliwa mong paa at isunod mo ang isa, wag mong hahayaang mahito ka sa paglalakad. Wag ka muling lilingod sa iyog nakaraan. Wag mong hahayaang magapi ka ng lungkot." di ko na namalayan na nandito na pala kami sa mismong pader na harang ng rooftop. 

"Ito na ang bunga ng iyong pagtittiyaga. Nakabalik kang muli kasi hindi ka nagpatalo sa lungkot. Nagawa mo Jho at sigurado na magagawa mo ulit ito." sabay naming tinignan ang napakagandang sikat ng araw na unti-unti ng nagpapaalam sa amin. 

"Jho... Gusto ko sana na ipangako mo sa akin na kasabay ng paglubog ng araw na ito ay kakalimutan mo na ang lahat. Iwan mo na ang panghihinayang, pagsisisi at sakit. Tanggalin mo na ang mga galit at lungkot na pinanahan mo dyan sa puso mo. Hayaan mo syang muling sumaya at hanapin ang taong tunay na magpapasaya sa kanya. " diretso sa mata kong sabi nya. 

Di ko alam na may ganito palang side si Aly. All I thought is gusto nya lang akong samahan dito minsan at pagmasdan lang akong umiyak, magsisi, mapagod at umiyak muli. 

"T-thanks a-aly. Pero di ko alam kung saan ako magsisimula." umiiyak kong sabi. 

Pilit nyang kinuha ang panyo na nasa bulsa ko at binuklat ito sa harapan ko. 

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now