This chapter is for my bestfriend na napakakulit. johannabuenaobra oh ayan na ah. Manahimik kana! Ayaw mo akong tantanan eh no? Pero salamat sa suporta mo sa story ko. 😂😂 Happy! Happy!
-----------------------------
Jho's POV
What a beautiful morning. 😊
Nandito kami ngayon sa Pampanga, out of town daw. Sinama lang ako dito ni Marci.
Yep. Marci Bacalla. Nagkabati na kami since the day na naaksidente ako.
Flashback...
Pagmulat ko ng aking mga mata ay puro puti lamang ang nakita ko sa buong pakigid ko.
Ano to? Nasa langit na ba ako? Huhuhu. Panu na? Hinahantay pa ako nila Mommy. Huhuhu.
Then may biglang bumukas ng pinto at nakita ko si...
"MARCI?!" at halos magulat din sya dahil sa lakas ng bunganga ko.
"Lessen your voice Jho." sarcastic nyang sabi. Upakan ko kaya 'to.
"Anung ginagawa mo dito?! Huh?!" inis na sabi ko at kinuha ko ang unan na nasa likod ko at inihagis yun sa kanya.
Sapul sya sa mukha pero waepek lang. Huhuhu.
"Tulong!! May mamamatay tao dito! Tulungan ny-" then he cut me off.
"Sshhh. Anu ba Jho? Wag kang maingay. Nandito tayo sa hospital." sabi nya at tinggal ko naman ang kamay nya na nakatakip sa bibig ko.
"Ano bang ginagawa ko dito ha?! Bakit ako nasa ospital?" galit na sabi ko. Umupo sya sa upuan na nasa gilid lang ng kama ko.
"I saw you na walang malay doon sa gym. Akala ko kung sino yung narinig ko na sumisigaw, kaya hinanap ko kung saan nanggaling yung sigaw na yon. Tapos... Yun na. Nakita kitang nakahiga sa sahig at walang malay." pagpapaliwanag nya.
"Nasaan ang parents ko? Alam ba nila ang nangyari sa akin?" at pilit na hinanap ng mata ko ang cellphone ko.
"Yahh. Tinawagan ko na sila kanina. Papunta na daw sila dito." mahinahon nyang sabi at inabot sa akin ang cellphone ko.
"Sinong nagsabing pakialaman mo ang cellphone ko?!" nagngingit-ngit kong sabi.
"Yun parin pala ang password mo. Buti nalang yun parin kaya mabilis ko lang na nabuksan." then he smirks. Letche tong lalaking 'to ahh. Ggrrrr!!
Naglakad sya papunta doon sa parang dinning area pero maliit lang sya. May kung ano syang kinuha doon pero di ko nalang sya pinansin.
Agad kong tinext sila Mommy at sinabi na ok na ako. Baka kasi sobra ng nag-alala yun sa akin eh.
"Jho. Here. Eat first." at inilapag nya sa lamesa na nasa gilid ko ang plato na may lamang carbonara.
Parang natakam tuloy ako bigla hahahaha.
"Wag mong titigan. Kainin mo." halos mapatalon naman ako sa gulat kasi nakaupo na pala sya sa tabi ko.
"Lubayan mo nga ako pashneya!!" at pulit ko sya pinapalayo sa akin.
"Grabe Jho. Ang hard mo naman sa akin. 😞 parang wala tayong pinagsamahan ahh." at nagpaawa pa. Tsskk
Hinayaan ko nalang sya sa kung anong gusto nya. Di ko nalang sya pinansin at sinimulan ng kumain. Parang isang taon ako di nakakain, halos wala pa kasing ilang minuto ay naubos ko kaagad yung kinakain ko.
"Patay gutom ka talaga." sabi ni Marci at lumapit sa akin para punasan ang bibig ko.
"Yan. Ok na." sabi nya pa habang nakangiti. Habang ako ay naiwan lang na nasa ganong posisyon.
YOU ARE READING
It Might Be You (JhoBea)
FanficJhoBea // Highest Rank #8 in Fanfiction Date Started: 09/24/2016 Date Completed: 05/15/2017