We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Problem Again

8.1K 129 14
                                        



Jho POV

Ito na ang pinakahihintay namin. Bukas ay kasal na namin. I cant wait and I miss her already na.

Ayaw kasi nila mom na magkita kaming dalawa alinsunod daw sa mga pamahiin. Hahahaha

Simula ng dumating kami dito sa America ay hindi na kami nagkita pa. Hindi narin ako nilubayan pa ng kakaibang feeling na nararamdaman ko.

Halo halong kaba, excitement, saya, takot?

Di ko na maintindihan pa ang sarili ko.

*tok tok tok.

Nabalik ako sa realidad ng makarinig ng sunod sunod na katok mula sa labas ng pinto.

Agad akong tumayo at binuksan ito.

Si Mommy pala...

"Kamusta ka na anak?" tanong nya at pareho kaming naupo sa kama ko.

"Unpredictable ma. Ganto po ba talaga ang feeling? Noon sobrang excited ako na makasal na kami para finally mabubuo na namin ang pinapangarap naming pamilya. Pero bakit kinakabahan ako ma? Parang... hindi ko po talaga maipaliwanag yung feeling." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Alam ko na matutulungan ako ni mommy kasi napagdaanan nya narin ito.

"Siguro masyado ka lang nag-iisip ng marami pang ibang bagay. Alam mo naramdaman ko rin yan noon. Yung feeling na andaming tanong sa isip mo pero in the end marerealize mo na wala ka naman pala talagang dapat ikatakot kasi kapag nakasal na kayo at isa kana talagang ganap na DE LEON. Mawawala yung mga what ifs dyan kasama na nung mga kaba kasi iyong iyo na sya." sabi nya at may kasama pang hand gestures. Hahahaha. Ang kulit nya kaya medyo nawala yung pressure na nararamdaman ko.

"Thank you ma. Siguro kaya lang ako nagkakaganito kasi ilang araw ko na syang hindi nakikita."

"Haayysss. Sige na nga. Tawagan mo nalang sya pero bawal face time ha?! Ok. Labas na ako. Magluluto lang kami sa kusina ng tita Det mo.  Puntahan mo lang kami if you need something." Pagpapaalam nya at ng makalabas na sya ay agad kong kinuha ang cellphone ko na nakalapag sa table na malapit sa bed ko.

It's already 9 pm na. Sana gising pa sya.

Tinawagan ko sya. Nung una ay nagriring pa pero nung sumunod na tawag ko sa kanya ay out of coverage area na.

Tinawagan ko pa ulit ng tinawagan pero ganon pa rin. Nag-aalala na ako ng sobra. Nasaan kaya sya??

Dali dali akong lumabas ng kwarto ko at pinuntahan sa kusina si mommy and I saw her together with tita det.

So where's tito and dad?

"Mom where's tito and dad?" Tanong ko sa kanila na busy sa pag-uusap habang nagluluto.

"Ayy! Di ko pala nasabi sayo. Naghanda ng party ang dalawa para kay Bea. Exclusive for boys lang daw kaya hindi kami pinasama." Pagpapaliwanag sa akin ni mama

Aahhh. Kaya siguro hindi nya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya.

But I know Bea. Isang tawag ko lang sa kanya ay sasagutin nya na agad ito.

Kaya di ko maiwasang mag-alala at kabahan.

" tinatawagan ko po kasi si Bea kanina pa eh pero di sumasagot. " malungkot kong sabi at tinignan ulit ang phone ko baka kasi bigla syang magtext.

It Might Be You (JhoBea)Stories to obsess over. Discover now