You Want to Know the Truth?

9.4K 179 18
                                    

Bea POV

*bbbboogssshh"

Agad ko syang sinapak sa mukha ng makita ko sya.

"Tarantado ka sabihin mo sakin kung saan mo sya dinala!!!!" sigaw ko sa kanya na umalingawngaw sa buong kwarto.

"Miss. Calm down. What's happening here?" pag-aawat sa akin ng chief ng Police Station.

"Ahhmm. Dont worry. I can handle this." sabi nya at tumayo mula sa pagkakatumba nya.

"Marci. Anong nangyayari dito? Bakit kayo nagsisigawan?" singit ng isang babaeng may katandaan narin. Pero nakakagulat lang na nagsalita sya ng tagalog.

"W-wala po nay." sabi nya doon sa babae at pilit na ngumiti kahit putok na ang nguso nya.

"You're not ok. Dadalhin kita sa hospital." sabi nya at inalalayan si Marci.

"Hoy marci! Sagutin mo ang tanong ko!! Wag mo kaming takasan." at hinawakan ko ang braso nya ng sobrang higpit.

Tinignan nya lang ng seryoso ang kamay ko na nakahawak sa kanya at deretso sa mata kong tumingin.

"You wanna know talaga ha?..... Sige. Sumunod ka samin ng malaman mo ang totoo." at naglakad na sila palabas ng prisinto.

Sumunod naman kami ni Maddie sa kanila hanggang sa makarating kami sa isang ospital.

Di ko alam kung anong ginagawa namin dito pero kinakabahan ako.

Parang bawat paghakbang ko ay napakabigat.

Siguro ay dahil ayoko lang talaga sa mga ospital kaya ganon.

Nang makarating kami sa tapat ng isang kwarto dito sa ospital ay agad binuksan ni Marci ang pintuan pero hindi kami agad nakasunod sa kanya.

Nagkatinginan muna kami ni Maddie na parang nagpapakiramdaman kung papasok ba kami o hindi.

"Come in..." sabi ni Marci na nasa loob na.

Unti unti kong hinakbang ang mga paa ko papasok.

I dont want what I feel right now. Lalong bumibigat ang atmosphere.

Nang makapasok na ay halos bumagsak ang katawan ko sa sahig dahil sa nakita ko.



Isang babae na nakaratay sa hospital bed at may nga kunhmg ano anong nakasaksak sa katawan nya at bakas na bakas sa kanyang mukha ang panghihina. Ang mga buhok nya ay halos nalagas na lahat at ang mga nangungulubot nya nang balat at ang mga mata nyang halos lumubog na at ang maputla nyang labi.

Hindi ko man sya sobrang makilala dahil sa itsura nya pero alam at kilala ng puso ko kung sino sya.

"J-jho?" 😭 at isa isa ng bumagsak ang mga luha ko.

"B-bea..............

A-anung ginagawa mo dito?" nanghihina nyang tanong.

Lalo nitong pinalabas ang mga luha sa mata ko.

Jho POV

Nagising ako dahil sa pagbukas ng pinto ng kwarto at nakita ko ang pagdating ni Marci.

Babatiin ko na sana sya pero ang seryoso ng mukha nito.

Lumingon sya muli sa pinto at may taong pinapasok.

Sino naman kaya to? Baka sila mom and dad. Hahahaha. Sana sila nga. Miss ko na agad sila.

Pero nagulat ako sa taong dumating.

B-bea?....

Nakatayo lang sya at nakatingin sa akin. Pero kahit na tinitignan ko lang sya ay dama ko ang panginginig ng mga tuhod nya.

It Might Be You (JhoBea)Where stories live. Discover now