Marci's POV
"Chab?!"
Gulat na gulat na sabi ni Jho. Akala ko nakalimutan nya na ako. Chab lang kasi ang pagkakakilala nya sa akin noon at hindi nya talaga alam ang real name ko. Ayaw ko kasing sabihin sa kanya kahit araw araw nya pa ako noong kinukulit para lang sabihin ko kung ano ba talagang pangalan ko.
"Yep. Akala ko kinalimutan mo na ako eh." nakangiti kong sabi at bigla nya akong niyakap ng mahigpit.
"Letche ka! Bakit di mo sinabi na ikaw yan? Kainis ka." at nagtaray nanaman sya. Ewan ko ba sa babaeng 'to.
"Uhmm. I don't know where to start eh. Ang hirap magkwento." sabi ko sa matamlay na tono.
Ayaw kona sana yong pag-usapan o balikan manlang kahit sa isip ko.
"Please na Chab?.. Magkwento kana daliiii." pangungulit nya pa. At pinaghahatak ang braso ko.
"Ok. Fine. Magkukwento na." at umayos naman sya ng pagkakaupo.
Naalala ko tuloy yung dating kami. Magkukwento ako ng mga kung ano-ano at sya naman ang listener ko.
"Nung araw na umalis kami... Hindi mo alam na yung pag-uusap natin sa playground yun na pala yung last na pagkikita natin." at tumango-tango lang sya. Sign na ituloy ko lang yung pagkukwento ko.
"Naaalala mo pa ba yon? Ang sabi ko sayo aalis lang kami at babalik agad. Akala ko rin kasi makakabalik kami agad. Pero....
May nangyaring hindi maganda eh. Ang totoong rason pala ng pagpunta namin doon ay para ipagamot si Dad.Isinikreto sa amin ni Mom yun kasi ayaw nyang maapektuhan ang pag-aaral namin.
Nung mga panahong yon ay halos maghirap din kami dahil sa mahal ng mga operasyon at gamutan ni Dad.
Sa mura ko ring edad ay natuto akong magpart time job sa kapitbahay namin na Pilipino rin. May flower shop kasi sila doon at ako ang nagbabantay doon pagkagaling ko sa school.
Lumipas din ang mga buwan at araw ay unti unti rin namang bumuti yung karamdaman ni Dad. Nakakalakad na ulit sya ng maayos. Nakabalik narin sya sa trabaho nya at umayos narin ang pamumuhay namin.
Naaalala ko pa kasi magnenewyear na non. Sabi ni Dad next year babalik na daw kami sa Pilipinas. Sobrang saya ko non kasi makikita na ulit kita.
But all the things change again. Sa gitna ng mga kaliwa't kanang kasiyahan sa pagsalubong sa bagong taon... Namatay ang Daddy ko.
Ay hindi. Pinatay pala sya." inihinto ko muna saglit ang pagkukwento. Ayoko kasing umiyak sa harap nya.
Saglit ko syang pinagmasdan at puro lungkot at pagkaawa lang ang nakita ko sa mukha nya.
Please Jho. Wag mo akong kaawaan.
"Hahahaha. 😂😂 anung mukha yan Jho?!" pang-aasar ko nalang sa kanya.
"Tsskk! Tuloy mo na nga yung drama ng buhay mo. Pabitin ka eh no?" at inirapan na pa ako.
Umayos na ulit ako ng pagkaupo.
"11:48; nagpaalam si Dad sa amin na lalabas lang sya saglit para kunin sa kotse yung nakalimutan nyang gift daw para sa amin.
Sobrang excited kami non ng kapatid ko kasi may matatanggap nanaman kaming regalo.
Binantayan ko talaga bawat minuto na lumipas... Pero nagtaka ako kung bakit ang tagal ni Dad bago bumalik.
Nagpaalam ako kay Mom na pupuntahan ko lang sa labas si Dad. Busy kasi si Mommy sa paghahanda ng mga pagkain.
YOU ARE READING
It Might Be You (JhoBea)
FanficJhoBea // Highest Rank #8 in Fanfiction Date Started: 09/24/2016 Date Completed: 05/15/2017