Chapter 24

439 4 0
                                    

CHAPTER 24

(Dahil sa issues kay Sam ay hindi muna ito pumasok sa University para makaiwas sa gulo. She misses and wants to talk to him pero hindi ito lumalabas ng kwarto at kung nagkikita man sila sa bahay ay iniiwasan sya kaya sobra syang nasaktan. Well, it’s her fault kasi nilagay niya ito sa alanganing sitwasyon. Hindi siya makapagconcentrate sa kanyang class hanggang natapos ito)

PHYTOS: Are you ok? Kanina ka pa wala sa sarili mo.

DEVON: Masyado ba akong selfish?

PHYTOS: Ha?? What do you mean?

DEVON: Hanggang kailan mo kayang panindigan ang taong mahal mo?

PHYTOS: Are you sure na ok ka lang? Iba kasi ang dating ng tanong mo sa akin?

(Bigla naman syang natauhan at parang napahiya)

DEVON: Sorry…

PHYTOS: Devz, tungkol doon sa panliligaw ko sayo…(He became serious while staring at her)

DEVON: Phytos kasi…(She was about to speak ng biglang dumating si Yen na tumatakbo)

YEN: Oh My God Devz! Mabuti nalang nakita kita agad dito!

(She saw her bestfriend na sobrang saya kaya medyo kinabahan siya)

DEVON: Bakit ang saya mo yata?

YEN: Devz, Sam called me! He’s asking me to go out with him!

(Sobrang kirot naman ang naramdaman nya parang gusto na nyang bumigay pero she tried to control herself)

PHYTOS: May date kayo ni Sam?

YEN: Yes! Yes! Yes! Susunduin daw niya ako mamaya after class! Sis, ito na ang pinakahihintay ko! Thanks talaga sa panlalaglag mo kay Sam! Kung di mo ginawa yun hanggang ngayon torpe pa siguro yun!

(Masayang-masaya talaga ang kanyang bestfriend kaya hindi nalang siya nambasag. Pagkatapos ng last class nila, sabay silang tatlo nina Phytos na lumabas ng gate. Agad nakita ni Devon si Sam na nakasandal sa kotse nito. He looked at her pero nagbaba siya ng tingin. Masaya namang pumunta si Yen palapit kay Sam)

YEN: Wow! Ang aga naman ng ka date ko!

(Sam smiled at nainis sya sa ginawa nito. Nakikipagdate sa iba, hindi pa naman sila break. Pero ang puso niya ay sobrang nasaktan talaga)

SAM: Let’s go!

YEN: Sis, paano aalis na kami. Magtataxi ka ba pauwi?

PHYTOS: No worries ihahatid ko si Devz. (Napansin naman ni Devon na biglang tumigil si Sam sandali habang papasok ito sa loob ng kotse)

DEVON: Yeah! Ihahatid nya ako. Enjoy nalang kayo!

DEVON’S POV: Bravo Devon parang di affected hah!

(Umalis na sina Sam at Yen. Siya naman ay nasa loob na ng sasakyan ni Phytos. Napansin naman nito na mukhang wala siya sa mood)

PHYTOS: So you’re referring to Sam kanina?

DEVON: Referring to him kanina?

PHYTOS: Di mo siya kayang panindigan dahil alam ng lahat na magkapatid kayo? Or sadyang takot ka lang sa maaaring mangyari kapag nalaman ng parents niyo ang totoo?

(How could she deny to him, mukhang alam na nito ang totoo)

DEVON: Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang totoo.

PHYTOS: Devz lalaki rin ako kaya alam ko kung ano ang nararamdaman ng kapwa ko. Noon pa diba? Noon pa may namamagitan sa inyo?

DEVON: Tama ka. I’m sorry Phytos, pinaasa lang kita. Napakabait mo pa naman sa akin. You deserve someone better than me.

PHYTOS: You know what? Akala ko noon ng umalis si Sam magkakahiwalay na kayo at may pag-asa na ako. Nang nalaman ko na nagpunta ka dito sa Manila ay agad akong nagtanong-tanong sa mga kaklase natin noon kung saang University ka, pati course mo kinuha ko para mapalapit sayo pero kahit ano pa ang gawin ko ang puso mo ay hawak na ni Sam.

DEVON: I’m so sorry.

PHYTOS: You don’t have to say sorry. Sa nakikita ko kay Sam mahal na mahal ka niya.

DEVON: Kung mahal niya ako bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Bakit nakipagdate siya kay Yen?

PHYTOS: Maybe he has reasons. Ang alam ko lang napakapossessive ni Sam pagdating sayo.

DEVON: Ewan ko Phytos siguro masyado pa kaming bata para sa mga ganitong bagay.

PHYTOS: Maayos din ang lahat.

(Gumaan na rin ang pakiramdam nya dahil sa sinabi ni Phytos. At nagpasalamat siya na naiintindihan siya nito. Hindi naman nagtagal si Phytos at umuwi na rin ito pagkatapos siyang maihatid. Pagdating naman ng kanyang Kuya Enchong agad nitong hinanap si Yen)

ENCHONG: Where’s Yen?

DEVON: May date sila ni Sam.

ENCHONG: What?!! (nakita niyang mukhang nairita ang kanyang Kuya)

DEVON: Kuya, you ok?

ENCHONG: Yeah! (Bigla namang nag ring ang phone nito. At sinagot ang tawag)

Oh Julia! Napatawag ka? Yeah! I have nothing to do. Kailan? Today? O sige…pupuntahan kita diyan. (He ended the call)

DEVON: Julia? May date kayo?

ENCHONG: Magkikita lang kami. Sige magpapalit muna ako ng damit.

(Samantalang sina Sam at Yen naman)

YEN: Kanina pa tayo dito sa shopping mall. May bibilhin ka ba?

SAM: Wla naman. Bakit pagod ka na? Gusto mo na bang umuwi?

YEN: No. no. no. I’m enjoying your company. So it’s ok.

(Sam looked at his watch and then)

SAM: Let’s have some coffee. Starbucks muna tayo.

YEN: Ok.

(The nearest Starbucks was about 5 minutes away. Nang makarating sila doon ay plano na ni Sam na sabihin kay Yen ang totoo tungkol sa kanila ni Devon. He doesn’t want Yen to expect too much from him. They were drinking coffee, and he tried to break the silence between them)

SAM: About what Devon had said to my Mom….

YEN’S POV: Oh My God! Magpopropose ka na ba Sam?

SAM: You know Devon was just…(hindi naman maituloy ni Sam ang sasabihin dahil biglang may nagsalita sa likuran niya. He knew it was Julia)

JULIA: Sam? Yen? Andito pala kayo?!

(He turned his back and saw Julia with Enchong)

SAM’S POV: Oh shit! Lagot na!

The Closet GirlfriendWhere stories live. Discover now