Chapter 32

448 3 0
                                    

CHAPTER 32            

AARON: Cheska kapag may nangyaring masama kina Enchong at Yen, ako mismo ang magpapakulong sayo!

CHESKA: Hindi ko naman sinasadyang itulak si Yen!

AARON: Sinungaling! Nakita ko na itinulak mo siya!

(Yumakap siya kay Aaron)

CHESKA: Please..magpinsan tayo huwag mong sabihin kay Sam ang totoo.

Hindi mo ba naiisip kung ano ang maaaring mangyari sa akin kapag nalaman nila ang totoo.Maaatim mo bang makita ang iyong pinsan na maghirap sa kulungan?

AARON: At kaya bang dalhin ng konsensya mo na may dalawang taong napahamak dahil sa pagiging selfish mo?!

CHESKA: I hate Yen dahil inaagaw niya sa akin si Sam!

AARON: Sam was never been yours!

CHESKA: Yeah! He was never been mine and he will never belong to anybody!

AARON: You’re selfish! Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit hindi ka nagustuhan ni Sam!

(Lumayo na si Aaron at iniwan ang pinsan.)

(Sobrang worried naman ng Daddy at Tita Carmi niya dahil sa nangyari. Ten hours had passed pero wala pa ring balita buhat sa marine at rescue team. Napasugod naman ng di oras ang mga parents ni Yen. Nakita ni Devon na panay ang iyak ng mommy ng kanyang bestfriend. Nihagis naman ng Daddy niya ang telephone)

DENNIS: Bullshit!!! Wala pa ring balita hanggang ngayon.

MRS. SANTOS: Ang Yen ko, ano nang nangyayari sa kanya?

MR. SANTOS: Huwag kang mag-alala wlang masamang nangyari sa anak natin.

(Niyakap nito ang kabiyak)

CARMI: Sana hindi ko nalang talaga pinayagan ang mga bata.

DENNIS: Don’t blame yourself..ok?

(Devon silently prayed in her room)

DEVON: Please po..sana walang masamang nangyari kay Kuya at sa bestfriend ko. Pangako po kapag nakita ko ulit si Kuya Enchong, susundin ko na lahat ng gusto niya. At si Yen kapag bumalik siya ….kapag bumalik siya… tuluyang ko nang  ipapaubaya sa kanya si Sam…Iligtas niyo lang po sila…please po.. tutuparin ko ang pangako kong ito.

(Panay pa rin ang pag-iyak niya)

(Lumipas ang isang linggo ngunit wala pa ring balita tungkol sa Kuya niya at kay Yen kaya naman naging hopeless na sila. But one day, may dalawang police ang nagpunta sa bahay nila. Simula nang mangyari ang aksidente ay hindi na siya umaalis ng bahay, ang mga show naman ni Sam ay pinacancel nito. Nakita niya na masinsinan na nag-uusap ang Daddy niya at Tita Carmi with the two police officers. Nagunaw ang mundo niya ng marinig ang paghagulhol ng kanyang Tita. She ran towards the living room at kitang-kita niya ang walang pag-asa na mukha nito at ang mga matang hilam sa luha)

POLICE: I’m so sorry but the evidence shows na ang dalawang bangkay na nakita namin ay positive sa anak niyo at kaibigan niya. Here’s the watch na pagmamay-ari ng dalawa.

(Hindi na narinig ni Devon ang iba pang sinabi ng mga police. Biglang nagdilim ang kanyang paningin. Nagising nalang siya sa loob ng puting kwarto)

DEVON: Where Am I?

SAM: Devz?

DEVON: Si Kuya…si Yen…(tumulo na ang kanyang luha)

SAM: Tama na…iyak ka ng iyak…makakasama yan sayo.

DEVON: Hindi ko kaya Sam….si Kuya…si Yen…

(Niyakap siya nito ng mahigpit)

SAM: Be strong Devz…

(Napagpasyahan ng mga magulang ni Yen na sa Maynila nalang ang lamay nito kasama ng kay Enchong. Devon saw how her Dad, Tita Carmi and Yen’s parents were hurt sa nangyari. May mga reporters na dumating sa chapel dahil na rin showbiz personality si Sam at boyfriend pala talaga ni Julia ang Kuya niya. She  saw Julia crying too but she never saw Cheska’s shadow na umapak sa lamay kaya nagtaka tuloy siya. She saw Aaron’s eyes full of anger pero di niya mawari kung bakit ganun ang nakikita niya dito. She knew Sam is hurting pero he’s strong enough para itago ang nararamdaman sa harap niya. She saw him silently sitting at one of the chairs)

DEVON: You can cry…

SAM: Devz??

DEVON: Sometimes crying is one of the best ways para ilabas mo ang nararamdaman mo.

SAM: Naisip ko kasi kasalan ko ang lahat. Kung di ko pinlano na mag getaway, eh di sana andito pa ang kapatid natin at ang bestfriend mo.

DEVON: Sam please don’t blame yourself. Walang dapat sisihin sa nangyari.

(She touched his face at yumakap ito sa kanya)

(Dumalaw din si Phytos)

PHYTOS: Life is really too short and unpredictable Devz kaya naman enjoy every moment of it.

DEVON: Tama ka Phytos.

PHYTOS: Anyway, asan man sila ngayon alam kong masaya na sila. Diba  sabi mo sa akin nun, ayaw na ayaw ng Kuya Enchong mo na nakikita kang umiiyak. Kaya be strong not just for your Kuya but also for your bestfriend.

DEVON: Alam mo ba I prayed na kapag walang nangyari sa kanilang masama ay gagawin ko ang lahat. Susundin ko ang gusto ni Kuya at ipapaubaya ko si Sam kay Yen.

PHYTOS: Alam mo Devz, Lord is answering our prayers without any conditions at all.

DEVON: Phytos…

PHYTOS: Just remember things happen for a reason.

(Araw ng libing nina Enchong at Yen. A lot of people were shedding tears. Lalong-lalo na ng magbigay ng farewell message ang mga taong malalapit sa kanila. Devon can’t help but burst out cying when she gave her message)

DEVON: Losing my brother and bestfriend made me feel numb. It hurts me so much. (Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil panay na ang kanyang hikbi at di na niya kayang magsalita. Naramdaman nalang niya na inalalayan siya ni Sam na makaupo. Sam gave his message too. Devon saw Sam is trying really hard to control himself nang kumanta ito sa funeral. He almost broke while singing the farewell song. Nang makarating sila sa huling hantungan at tabunan ang mga kabaong. She knew that it was the end of everything and the new beginning is about to start)

The Closet GirlfriendWhere stories live. Discover now