Chapter 39

492 5 0
                                    

CHAPTER 39

(Isang nakakagulat na balita ang nalaman ni Devon. Sam is dating another girl in the Philippines. Nakita niya ang mga naglalabasan na litrato nito kasama si Coleen. She saw how sweet the two was. Alam niyang matagal ng loveteam ang dalawa pero she didn’t expect na lumalabas din pala ang mga ito. She knew the life in showbiz, maraming gumagawa ng issue. Pero ng marinig niya ang interview kay Coleen ay nadurog ang kanyang puso)

REPORTER: Totoo bang lumalabas kayo ni Sam?

COLEEN: Yes! And we enjoy each other’s company.

REPORTER: So kayo talaga ang nakunan ng ibang reporters na magkasama sa isang restaurant the other night?

COLEEN: Yes!

REPORTER: So what’s the status of your relationship? Exclusively dating or kayo na talaga?

COLEEN: Actually, it’s complicated.

REPORTER: Why you say it’s complicated?

COLEEN: Honestly kasi…Sam is married. (nagulat ang reporter sa sinabi ni Coleen pati si Devon na nanonood ng interview via TFC ay nasurpresa. Paano nagawang sabihin ni Sam kay Coleen ang marriage nila)

REPORER: Did you just say Sam is married?

COLEEN: Yeah! He’s married to Devon. Yung ipinakilala niya dati na sister niya but ang totoo naman ay hindi niya kaanu-ano.

(lalong nagulat ang reporter)

REPORTER: Oh my God!

COLEEN: But it’s ok. Sabi naman kasi ni Sam pinakasalan lang niya si Devon dahil sa anak nila. He doesn’t want na may anak na bastardo. They got married in Canada. So anytime, Sam can file a divorce.

(Yun lang at pinatay na ni Devon ang TV. Ayaw na niyang panoorin ang iba pang sasabihin ni Coleen. Pinakawalan niya ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Nagulat pa siya ng biglang pumasok ang anak nila ni Sam sa kanyang kwarto)

ANDREI: Mommy why are you crying? (niyakap niya ang kanilang anak)

Stop crying Mommy…

DEVON: I’m just hurt baby but I’ll be ok…

(Galit na galit naman si Sam dahil sa nangyaring interview kay Coleen)

SAM: The hell with that woman! Sinira niya ang career ko! At si Devon! God!!! (nahilamos ni Sam ang palad sa mukha)

AARON: Take it easy brawhh…Maayos din ang lahat.

SAM: Gusto kong puntahan ang babaeng yun at patayin!

ALEX: Huwag kang magpapadala sa galit Sam.

SAM: Usapan na ang kasal, asawa at anak ko sa internet, tv, radio, etc. I need to clarify this issue.

AARON: Anong balak mo?

SAM: Magpapatawag ng live interview si Mommy on Sunday. It’s time for me to tell the truth. Ayaw kong pati privacy ng aking mag-ina ay masangkot dito.

ALEX: Yun naman pala kaya huminahon ka muna.

(Umuwi si Sam sa kanilang bahay. Pagkalapit palang niya sa may gate ay marami ng reporters ang nag-aabang kaya naman napagpasyahan niyang bumalik nalang muna kina Alex. Pagkabalik kina Alex ay agad niyang tinawagan si Devon ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Kanina pagkatapos ng interview ni Coleen ay agad niyang tinawagan si Devon ngunit hindi ito sumasagot. Nag-aalala na siya masyado sa kalagayan nito. Tumawag siya sa bahay ng Mommy Cleo nito ngunit hindi rin ito sumasagot. Kaya wala na siyang ibang choice kundi tawagan si James, nakailang ring ang cellphone nito bago sumagot)

The Closet GirlfriendWhere stories live. Discover now