Chapter 6

682 5 0
                                    

CHAPTER 6

CHESKA: Musta yung Christmas and New Year vacation mo?

SAM: Well…it’s great!

ALEX: Ang lapad yata ng ngiti mo hah…? Mukhang inlove…

SAM: Halata ba?

CHESKA: Inlove ka?

SAM: Sa work….(umalis na sya at iniwan ang mga kasamahan)

AARON: Anong nangyari dun? Kanina ko pa yun nakitang panay ang ngiti.

ALEX: Ganyan na sya after the vacation….

CHESKA: I don’t like this!

AARON: Pinsan ano namang ayaw mo?!!!

CHESKA: Hindi ko gusto ang nakikita ko kay Sam para syang baliw!

ALEX: Selos lang yan!

(Samantalang sina Yen at Devon naman sa school)

YEN: Kanina ka pa check ng check sa phone mo hah?! May hinihintay kang message?

DEVON: Hah?... sabi kasi ni Kuya Enchong… hahanapan nya ako ng University sa Manila..alam mo naman malapit na ang graduation…

YEN: Oo nga ano?! Bakit di nalang tayo sa bahay ng Kuya mo magstay? I’m sure magiging happy ang Daddy mo at sinabi mo na rin sa akin mabait yung Mommy nina Enchong at Sam…It’s not a big deal naman siguro…

DEVON: Yun na nga sabi ni Kuya ehh..tumawag na din si Daddy kagabi…

YEN: Payag ka na Devz! Isama mo na rin ako..please?...

DEVON: Sige..kakausapin ko si Daddy mamaya!

YEN: Yes! Biruin mo yon..mapapalapit na ako kay Sam…

DEVON: Hanggang ngayon may crush ka pa rin sa kanya?! (pagkukunwari nya)

YEN: Oo naman..pero mukhang ikaw ang gusto nun!

DEVON: Paano mo naman yan nasabi?! (kunwari nyang tanong pero kinilig sya)

YEN: Haleer Devon! Kung makatitig kaya sayo si Samuel ay parang wala ng bukas, wagas na wagas!

DEVON: Hay naku! Tumahimik ka na nga! Magsisimula na ang class natin…

YEN: Kunwari pa ito! Kinikilig naman!

DEVON: Ewan ko sayo!

(Kinagabihan sa bahay nina Enchong)

DENNIS: I have good news for you guys!

ENCHONG: Ano na naman yun Dad?

DENNIS: I called Devon this afternoon, pumayag na sya na dito magstay for her University! (agad naman nagsmile si Sam sa narinig pero di sya nagpahalata)

ENCHONG: Wow talaga! That’s great Dad!

CARMI: Good news nga yan! At least may kakampi na ako sa bahay! Puro lalaki kasing nakapaligid sa akin…

The Closet GirlfriendWhere stories live. Discover now