Chapter 37

535 5 0
                                    

CHAPTER 37

(Mabilis lumipas ang mga buwan, now kabuwanan na ni Devon. Kanina pa siya hindi mapakali, pabalik-balik siya ng lakad sa loob ng bahay. Kung bakit ba kasi siya lumabas at tumakbo pauwi ng may makita siyang parang anino ni Sam. Pakiramdam niya ay manganganak na yata siya. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Walang tao ang bahay dahil may lakad ang kanyang Mommy, si James at ang Daddy nito. Pinagpapawisan na siya ng malamig at nahihilo. Napakapit siya sa may lamesa at napasigaw ulit. Naramdaman niyang biglang may bumuhat sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali,si Sam nga! Ang nakita niyang anino na sumusunod sa kanya kanina habang pauwi ng bahay ay walang iba kundi si Sam talaga. Dahil sa sakit na naramdaman ay hindi na siya makapagsalita. Napasigaw nalang siya)

SAM: Easy Devz…dadalhin kita sa hospital.

DEVON: Sam…

(masyadong mabilis ang mga pangyayari. Namalayan nalang ni Devon na dumating sila sa hospital at agad siya dinaluhan ng mga doctor. She felt pain lalo na nung palabas na ang kanilang anak. Hindi naman siya iniwan ni Sam,nasa tabi niya ito during her delivery holding her hands. Nakaramdam siya ng kasiyahan ng marinig ang pag-iyak ng sanggol)

DOCTOR: It’s a baby boy!

(napangiti si Devon at kitang-kita niya ang kaligayahan ni Sam. Ngiting wagas ang nakikita niya dito lalo pa ng hawakan nito ang baby nila. Nang ilapit sa kanya ni Sam ang baby ay napaiyak siya at hinalikan naman ni Sam ang kanyang noo)

SAM: Our baby..

DEVON: Yes…

(Nanatili si Devon ng dalawang araw sa hospital. Halos lahat ng features ng kanilang anak ay namana kay Sam maliban nalang sa mahabang pilikmata nito at sa pagiging moreno. Hindi naman siya iniwan ni Sam. Ito lagi ang gumagawa at nag-aasikaso ng mga pangangailanga niya hanggang makalabas siya ng hospital. Hanggang ngayon nga ay nanatili din ito sa bahay ngkanyang Mommy Cleo. Her Mom told her to breastfeed dahil maganda daw ito sa sanggol. It’s time to feed her baby pero di niya ito makita. Pabalik-balik siya sa loob ng bahay hanggang nakita niya ang baby na karga ni Sam sa may hardin. Kitang-kita niya na giliw na giliw si Sam sa anak nila. Nilalaro at hinahalikan nito ang sanggol. Lumapit siya at)

DEVON: Andito lang pala si baby ehh… (humarap si Sam sa kanya at magiliw na inilapit ang sanggol)

SAM: Baby andito na si Mommy…

DEVON: Baby it’s milk time. (Nahihiya naman siyang magpadede sa harapan ni Sam kaya tumalikod siya dito at narinig niyang nagsalita si Sam)

SAM: Devz! Huwag ka na ngang mahiya diyan. Nakita ko na yan at mas nauna pa akong…(hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil nagsalita na siya)

DEVON: Tumahimik ka! Naririnig ka ni baby…

(Narinig niyang tumawa ito sa kanyang likuran at nagulat pa siya ng bigla nalang itong napunta sa kanyang harapan at magiliw na pinagmamasdan ang baby nila)

SAM: Ang gwapo talaga ni baby manang-mana kay Daddy…

DEVON: Sam hanggang kailan ka pala dito?

(tumingin ito sa kanya bago sumagot)

SAM: I’ll be leaving next week Devz…(nalungkot naman siya sa sinabi nito)

DEVON: Ganoon ba?

SAM: May mga trabaho kasi akong naiwan sa Pinas but promise pupunta ako dito sa binyag ng baby natin.

DEVON: Ok… (Hinaplos nito ang kanyang buhok at hinawakan ang kanyang mukha)

SAM: At the right time, magpapakasal tayo.

DEVON: Sam?

SAM: Kinausap ko na si Tito Dennis, si Mommy at Tita Cleo.

DEVON: Hindi naman kailangan…

SAM: Devz, you’re the girl I want to spend the rest of my life with. I’m nothing without you. I love you so much Devz…

DEVON: I love you too, Sam. (at hinalikan siya nito sa mga labi na tinugon naman niya. Naputol ang halikan nila ng umiyak ang kanilang anak)

SAM: Opps! Disturbo si baby sa moment natin.

DEVON: Boang! (nagsmile siya dito at kinurot naman nito ang kanyang ilong)

(Gaya ng pangako ni Sam bumalik ito sa Canada sa binyag ng kanilang anak. She was surprised ng kasama nito ang kanyang Daddy Dennis at Tita Carmi. Pero ang ikinagulat niya sa lahat ay ang pagdating ng kanyang Kuya Enchong at bestfriend na si Yen. Muntik pa siyang himatayin ng makita ang mga ito)

ENCHONG: Baby Devz para kang nakakita ng multo!! (lumapit siya dito at kinurot ang mukha pati na rin si Yen)

YEN: Ouch!!!

DEVON: Pero paanong?...

ENCHONG: Nalimutan mo na bang professional swimmer ang kuya mo?!

DEVON: Pero yung bangkay?

YEN: When Enchong saved me ay napadpad kami sa isang isla. May batang mag-asawa ang nagmagandang loob na patuluyin kami sa kanila.Bilang kabayaran sa kanilang kabutihan, binigay namin yung watch namin sa kanila. But unfortunately, they were drowned 2 days later habang nangingisda sila dahil sa malakas na alon.

DEVON: Pero bakit niyo hinayaang maniwala kami na patay na kayo?

YEN: The island is far from civilization. Walang kuryente doon, cellphone,computer, etc. Palaging bumabagyo sa lugar na yun kaya mahirap sa amin na lumabas ng isla. After a month ay naging maayos na ang panahon, lumuwas kami ni Enchong sa bayan para umuwi ng Manila. Habang kumakain kami sa carenderia ay nakakita ako ng lumang newspaper at nabasa ko sa orbituary ang pangalan naming dalawa ni Enchong.

DEVON: Yun naman pala bakit hindi kayo bumalik agad?

ENCHONG: At that time, naisip ko na itatanan ko muna si Yen para walang aberya pagbalik namin.

DEVON: Ibig sabihin??

ENCHONG: Kami na! nagsasama na kami.

DEVON: Oh My God?! This is such a big surprise! I’m happy for you Kuya at sa iyo sis! (niyakap niya ang dalawa at di niya mapigilang umiyak) Ang daya niyo! Alam niyo bang gabi-gabi ako umiiyak noon dahil sa kunwaring pagkawala niyo!

YEN: Pasensiya na sis kung ngayon lang kami nagpakita sayo.

ENCHONG: Paano ba yan?! Nakabuo na kayo ni Sam…naunahan niyo pa ako! Naturingan pa naman akong Kuya niyo!

SAM: Bilis-bilisan mo nalang bro! (ngumiti si Sam at umakbay kay Devon)

DEVON: Teka Kuya, paano nga pala si Julia?

ENCHONG: Nag-usap na kami and she’s dating Aaron.

DEVON: Mukhang ang dami kong hindi alam hah…

YEN: Oks lang yun sis! Ang mahalaga, happy ang lahat! (nagkatawanan silang apat at lumapit naman ang Mom Cleo niya karga ang anak nila ni Sam)

CLEO: Umiiyak si Baby Andrei (pangalan ng anak nila ni Sam) hinahanap yata ang mga magulang at ayaw kay Granny.

DEVON: Ma? Granny talaga?!

CLEO: Oo naman Baby Devz, ayaw ko pang magmukhang matanda. Kaya ang tawag ng apo ko ay Granny.

DEVON: Kayo talaga Mom!

CLEO: Hay nakung bata ka! Mabuti nalang talaga at nakuha ng anak mo ang mahahaba mong pilikmata at ang pagiging morena mo! Kung hindi 100% Samuel ang anak mo!

SAM: Sadyang mas malakas lang talaga ang dugo ko Tita! (at nagkatawanan na silang lahat)

The Closet GirlfriendWhere stories live. Discover now