Chapter 15

495 4 0
                                    

CHAPTER 15                     

(Mabilis natapos ang summer vacation. Patago pa rin ang relasyon nila ni Sam at kinakabahan talaga sya na baka mabuking sila. May mga issues na rin na lumabas na may namamagitan kay Sam at Cheska. She confronted him once but he assured her na wala talaga. Sam is acting as if he’s not committed to anybody infront of the camera kaya minsan nasasaktan din sya. Pero kailangan naman talaga nilang itago ang katotohanan para na rin sa kanilang dalawa.One Sunday afternoon may interview si Sam sa isang talk show and her bestfriend Yen was so excited na manood. )

DEVON: Bakit ba kasi gusto mo panoorin ang interview ni Sam..araw-araw mo naman sya nakikita dito sa bahay.

YEN: Iba pa rin yung interview…baka kasi may tanong  yung host na di ko kayang itanong sa kanya ng harapan…

DEVON: Like what?!!

YEN: Like anong ideal girl niya if ever she had/has a girlfriend…

DEVON: Hay naku Yen! Interesado ka talaga sa lovelife ni Samuel…

YEN: Syempre naman…Ayan! Si Sam na ang susunod!

(nagsimula na ang interview ni Sam and as usual he really looks good on TV. Napapangiti si Devon habang tinitingnan si Sam, she noticed na kinikilig si Yen. Most of the question were all about sa album ni Sam. The last question was about lovelife. The host asked him if there was any special girl in his life. Kinabahan naman si Devon sa isasagot ni Sam. She saw him silent for awhile and said that there wasn’t  any special girl in his life. Of course, she felt bad about his answer but tried to understand. Masayang-masaya naman si Yen sa narinig samantalang tahimik lang sya)

YEN: Sabi na nga ba! he’s not committed to anybody! Oh My God Devz!! May chance pa tayo…

DEVON: Hindi naman nakakatuwa yung sagot nya.

YEN: Anong hindi?! Hindi nga sya committed ibig sabihin he’s single! Definitely single!

DEVON: Ewan ko sayo! (pumunta sya sa garden at inaliw ang sarili sa mga bulaklak)

DEVON: Nakakainis naman si Sam..special girl lang naman yung tanong at nagdeny pa sya…hindi naman yun girlfriend…nakakainis talaga!

(bigla syang ginulat ng kanyang kuya Enchong)

ENCHONG: bulaga! !!!!!!!!!!!!

DEVON: Ano ba kuya?! Ginulat mo ako! Nakakainis ka!

ENCHONG: Malayo palang ako kitang-kita ko na di maganda ang timpla na mukha mo! May umaway ba sa baby sister ko?!

DEVON: Kuya please huwag kang makulit…

(umakbay si Enchong sa kanya at ginulo ang kanyang buhok)

ENCHONG: Kung ano man yang ikinaiinis mo, kalimutan mo nalang! Ok?! Treat ko kayo ni Yen! Let’s go shopping!

DEVON: Kuya wala ako sa mood…

ENCHONG: Sige na sis…shopping tayo at kain sa labas..please?...

DEVON: Sige na nga! Sasabihin ko kay Yen!

The Closet GirlfriendWhere stories live. Discover now