Hi Guyyyyss!! Kaway-kaway naman diyan with taas ng dalawang paa. Charottiii. Hihihi ^.^
Picture ni Marry at ng bestfriend niyang si Sadis Ta sa taas. (IU & Suzy)
******
Ligawan: 1
Marry's P.O.V
"Huwaaaaaaaagg!!!!! ITIGIL ANG KASAL!!!!" Teka bakit nasa isang simbahan ako at... At bakit pinipigilan ko ang kasal nung gwapong lalaki??? Binabangungot ata ako!
"Ms. Me!" Minulat ko yung isa kong mata. Hayyss. Inaantok pa ako. *hikab* *inat*
"Maam??"
*Booogs*
Aray ko po! Natumba ako sa kinauupuan ko. Huhuhu T_T
Ikaw ba naman kasi makakita ng isang matandang hukluban na halos nakadikit na ang pagmumukha sa mukha mo? Talagang magugulat ka.
"Hahahahahaha!"
"Hahahahaha"
Nagtatawanan pa yung mga kaklase kong luko-luko sa pagtumba ko. Ang sakit nanga eh, pinagtatawanan pa ako! Mga luko talaga. -___-
"Ms. Me!!!" Galit na galit na sabi ng matandang panot sa harap ko. Ewwwww! Tinalsikan pa ako ng laway sa mukha ko. Yuccck! So gross mga bessss.
*punas muka*
*abot alcohol*
"Maam naman. Paano naman kita mamimiss? Eh araw-araw nga kita nakikita." Miss me daw? Sawang-sawa nanga ako sa pagmumukha niyang panot siya eh. Tss. Pinupunasan ko parin yung muka ko. Kadiri talaga!
"Ms. Marry Me! Tinulugan mo nanga ang klase ko ngayon naman ay pipilosopohin mo pa ako!!" Nangugumigil niyang sabi sa akin. Si maam, may pagnanasa pala sa akin hindi sinasabi.
"Maam, hindi po tayo talo. Pareho po tayong babae 'tsaka yuck lang maam hah! Ang tanda-tanda niyo na nagyaya pa kayo ng kasal. Maam! Huwag po ako. Si ano nalang." Lumingon ako sa mga kaklase ko at ewan ko kung bakit yung mga mukha nila eh yung itsurang nagpipigil hugalpak sa pagtawa. "Maam si ano nalang po, si Domingues nalang po!" Sabi ko sabay turo sa kaklse kong lalaki na biglang humagalpak na sa pagtawa at pati narin ang buong klase ay tumatawa narin.
Bakit kaya sila tumatawa? 'Di kaya, takas sila sa mental? Hala!
"Hahahahaha"
"Napaka lupit talaga ni Marry! Wahahahahaha"
Eh? -_______-
"Ms. Marry, go to detention room now!!!"
"Ma'am naman, kung hindi niyo po matanggap na binusted ko kayo eh wala naman pong personalan!" Protesta ko kay maam.
"Isang linggo kang made-detention pag hindi kapa tumigil sa mga kahibangan mong bata ka! Hala sige, alis! Iniistorbo mo ang klase ko!" Napanguso nalang ako. Porket ba binusted kolang siya ide-detention na niya ko? Huhuhu. Hindi naman kasi kami talo. T_T
"He-he maam pupunta na po." Napakamot pa ako sa ulo ko. Sungit-sungit. Bitter sa akin si maam.
Tumakbo na ako palabas sa room at lumakad na papunta sa detention room. Ang dilim-dilim kaya doon. -_____-
Bakit nga kaya ako niyaya ni Maam. Bidabida na mag-pakasal? Haayyyss. Ibang klase rin trip ng matandang panot na 'yon. -_____- Sarap niya itapon sa planetang bida-bida. I swear!
"Lalalala~lalala~lalalala~" Pakanta-kanta pa akong naglalakad habang papunta sa dention room nang makasalubong ko yung grupo ng mga babaeng kikay dito sa school namin. Well, hindi naman talaga uso dito yung bully eh. Hindi 'to katulad ng ibang school na puro bully ang studyante. Bawal kasi sa amin. Tsaka yung mga kikay na 'yon? Hindi yun katulad ng iniisip niyong maarte at palaging magrereyna-reynahan sa school. Ang babait ng mga 'yon, sadyang kikay lang talaga sila. Wait tama nanga pagkukuwento, nakakatamad na eh.
BINABASA MO ANG
ANG NILILIGAWAN KONG ARTISTA. (Jungkook & IU)
Fanfiction#1 Jeon Jungkook (fan fiction) _______ Paano kung isang araw ay manligaw ka nalang isang lalaking malaki ang ilong na may panget pang ugali? Isang lalaking may malaking ilong na kapag nakakakita ng isang panget ay nangangati ang kanyang malaking ilo...