Ligawan
Taehyung's P.O.V
"Bakit kase ayaw mo pang umamin sa kaniya?" Napalingon ako sa lalaking umaakyat ngayon sa puno kung nasan ako nakaupo.
Si Yoongi hyung pala.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya sabay lagok sa beer in can na kanina kopa iniinom dito sa taas ng puno. Baka kase may makahuli sa akin na professor at ipa suspende pa ako.
"Tss huwag kana nga mag mang maangan diyan. Alam namin lahat na may gusto ka kay Marry." Sabi niya pa at kinuha yung isang natitirang beer in can sa supot na pinaglalagyan nito.
"Sus parang namang wala kang gusto sa kaniya." Nakita ko yung pagkagulat sa kaniya. "Ramdam kong may gusto karin kay Marry Yoongi hyung. Eh ikaw ba? Bakit ayaw mo parin umamin?" Tanong ko din sa kaniya. Biglang nag seryoso yung mukha niya at parang may bumabalot sa kaniya na kakaibang awra.
"May dahilan ako kung bakit ayoko." Simple lang niyang sagot.
"Okay." Yun nalang sinabi ko kahit gustong gusto kong malaman kung ano yung dahilan.
Alam kong may mabigat na dahilan kung ayaw niya umamin ng tunay na nararamdaman niya kay Marry.
"Umamin kana bago pa mahuli ang lahat." Seryosong sabi niya kaya natahimik ako at nagsalita ulit. "Bakit aagawin mo ba siya sa akin? Mali hindi nga pala siya sa akin so bakit mo siya aagawin? Haha." Mapaklang tawa ko. Sa aming dalawa ni Marry ako lang nga ata ang may gusto sa aming dalawa. Ako lang nakakaramdam ng ganito.
Hayss.
"Ano bang ibig mong sabihin bago mahuli ang lahat? Hah Yoongi?" Hindi agad siya nag salita at lumagok muna sa hawak niyang alak sabay tingin sa akin ng seryoso.
"Basta malalaman mo din. Sige salamat dito ah. May kailangan pa akong puntahan." Bumaba na siya ng puno at umalis na.
Nanatili lang akong tahimik at nag isip ng mga bagay bagay.
Eh kung umamin na kaya ako? Wala namang masama hindi ba?
Eh ano kung tanggihan niya ako? Atleast wala akong pagsisihan sa huli.
Hayss.
Naalala ko nanaman yung kanina.
Sabi niya may importante siyang pupuntahan.
So importante sa kaniya yung lalaking transferee? Nakita ko silang magkasama kanina at nakita ko rin kung paano siya sumakay sa kotse nung gagong lalaking yon.
Siya ba ang gusto niya? Akala koba mag kaaway sila? Ilang araw ng lagi sila ang magkasama.
Kinakabahan ako.
Silang dalawa ang dahilan kung bakit ako nandidito at umiinom ng palihim.
Nasasaktan ako. Sobra.
Nagawa kong magsinungaling nung nakaraan kay Marry dahil pinangunahan ako ng inis ko sa kaniya. Bakit kase silang dalawa yung palaging magkasama?
Yung bulaklak? Para talaga sa kaniya yon. Hindi rin ako nanggaling sa condo ni Monique para sunduin ito. Kaso bigla kase akong kinabahan. Paano kase kung hindi niya tanggapin? At nakakainis pa, sabay pa silang kumain sa cafeteria nung ungas na yon at hindi manlang niya ako pinansin! Argh. Nagseselos talaga ako!
Ah basta! Kahit anong mangyari, magtatapat na ako ng nararamdaman ko para kay Marry.
Tatanggapin ko naman kung aayawan niya ako. Atleast hindi ako naging duwag sa totoong nararamdaman ko.
****
Someone's P.O.V
"Napatay moba yung bata?" Tanong ko sa tauhan kong nasa harap ko ngayon at mukhang bigo siya sa pinag uutos ko.
BINABASA MO ANG
ANG NILILIGAWAN KONG ARTISTA. (Jungkook & IU)
Fiksi Penggemar#1 Jeon Jungkook (fan fiction) _______ Paano kung isang araw ay manligaw ka nalang isang lalaking malaki ang ilong na may panget pang ugali? Isang lalaking may malaking ilong na kapag nakakakita ng isang panget ay nangangati ang kanyang malaking ilo...