Ligawan 6
Marry's P.O.V
"Marry yung anak mo sinugod ko sa hospital! N-na h-hit and run siya Marry. M-marry s-sorry."
"P-po?! Ano pong nangyari?? S-saang hospital po yan??! S-sige po sige po pupunta na ako." Pinatay kona yung tawag pagka taoos kong sabihin yon.
Putangina.
Hindi ko alam gagawin ko!
Tangina. Y-yung anak ko..
"Q-quinn.."
"Hoy Marry what happened? Bakit umiiyak ka diyan?" Tanong ng papalapit na si Jimin sa akin.
"W-wala.. m-may kailangan lang ako puntahan. Paki sabi sa prof natin hindi ulit ako makakapasok e-emergency lang kamo!" Dali dali na akong nagtatakbo papalabas ng university. Yung anak ko. Quinn kapit kalang paparating na si mimi mo.
Pumara na kaagad ako ng masasakyan ko papunta kung saan hospital dinala si Quinn. Halos magkandarapa na ako makarating lang sa hospital.
Pagkarating ko naman sa hospital ay pinagtanong ko kaagad sa may nurse kung saan yung naging room ni Quinn at sinabing nasa emergency room kaya naman nagkanda iyak na talaga ako. God please save my daughter. Please huwag mo naman pong hayaan na pati po siya iiwan din ako.
Umiiyak lang ako habang papunta sa emergency room hindi kona alintana yung mga taong nababangga ko dahil sa pag iisip sa kalagayan ng anak ko.
"Titaaaa.." Napatayo agad si tita nung makita niya ako. Nakaupo kase siya at halatang umiiyak din siya.
"Marry... Marry pasensiya na hindi ko naalagaan ng maayos yung anak mo.. hindi ko sinasadya.. Marry si Quinn." Niyakap ko ng mahigpit si tita para pakalmahin siya.
"Tita huwag niyo pong sisihin yung sarili niyo. Wala kang kasalan okay?" Pagyakap ko ulit sa kaniya. "Ang dapat na sinisise natin dito ay yung nakasagasa sa kaniya hindi ikaw kaya tita kumalma ka muna. Tsaka si Quinn po tita? Yung anak ko? Ano napong nangyari sa anak ko?" Maiyak iyak kong sabi at hindi nag laon ay naupo kaming dalawa.
"Hanggang ngayon hindi pa lumalabas yung doctor. Kinakabahan ako Marry. Sana naman ay hindi naging malala ang naging kalagayan niya. Patawarin muna sana ako." Umiiyak niya paring sabi. Hayss huwag naman sana niyang sisihin ang sarili niya wala siyang kasalanan dito kundi yung tanginang nakasagasa sa anak ko!
Sabay kaming napatayo ni tita ng makita naming lumabas yung doktor galing sa emergency room.
"Doc...doc.. ano napong balita sa kondisyon ng anak ko?" Nag aalalang salubong ko kaagad.
"Nakalukunglot man sabihin pero hindi maganda ang lagay ng anak mo misis. Masyadong naapektuhan ang ulo niya dahil sa pagkakabangga ng sasakyan sa kaniya. Kailangan pa po namin siya idaan sa test para malaman kung may iba pang naging damage sa katawan niya but as of now pwede naman na siyang ilipat sa ibang room." Jusko ano bang nangyari sa anak ko. God tulungan niyo po sana ako baka hindi ko ito kayanin. Napatango tango nalang ako sa doktor sa mga sinabi niya. Nagpapasalamat akong kahit papaano ay okay lang ang kalagayan ni Quinn.
"Thankyou po doc. Sabihin niyo pa sana kaagad sa amin kung may naging problema sa katawan ng anak ko. Aasahan kopo kayo salamat po talaga." Umalis na yung doktor at inilipat na ng mga nurse si Quinn sa ibang room. Medyo nakahinga na ako ng maluwag. Ilang taon palang anak ko nakaranas na kaagad siya ng mga ganitong bagay. Napaka iresponsable ko talagang ina. Hindi ko nanaman tuloy mapigilan hindi maiyak dahil sa pinag dadaanan ng anak ko ngayon. Wala naman sanang nangyaring mas masama sa kaniya baka hindi ko na iyon kayanin.
"Tita kayo muna pong bahala dito kay Quinn. Kailangan ko po kaseng maghanap ng pera para may maipangbayad sa hospital bills ni Quinn at para natin sa mga kailangan niyang gamit at pambili ng gamot niya." Niyakap lang ako ni tita ng mahigpit. "Atsaka po tita, huwag niyo po sanang sisihin yang sarili niyo.. wala po kayong kasalan okay?"
BINABASA MO ANG
ANG NILILIGAWAN KONG ARTISTA. (Jungkook & IU)
Fanfiction#1 Jeon Jungkook (fan fiction) _______ Paano kung isang araw ay manligaw ka nalang isang lalaking malaki ang ilong na may panget pang ugali? Isang lalaking may malaking ilong na kapag nakakakita ng isang panget ay nangangati ang kanyang malaking ilo...