PART 5

3.5K 65 2
                                    

PART 5

(CHARMAINE'S POV)

"Tara na po!" Hinila ako ni Phoebe papunta sa private plane ni Cally.

"Excited na excited ka Phoebe ah?" Binuhat ko siya. Magkatabi kaming umupo. Nasa tabi ng bintana si Phoebe at ako naman ay nasa tabi niya. May bakante pa nga sa gilid ko.

"Can I seat here?" Lumingon ako. Si Cally.

"S--sige" Tumabi siya saakin.

Naramdaman kong unti unti lumilipad ang eroplano. Si Phoebe naman ay masayang tumitingin sa mga clouds.

"I want to touch them. They are just floating!" Sabi ni Phoebe.

"Clouds are like cottons, Phoebe. They are fluffy." Sabi ko at inayos ang buhok niya.

Lumipas ang isang oras ay naramdaman kong naantok na ako. Di ko namalayan ay nakatulog na pala ako.






"Charm.."

"Charm.."

Minulat ko ang mata ko. Nanlaki ang mata ko kasi ang lapit lang ng mukha ni Cally sa harapan ko.

'Nakatulog pala ako sa balikat niya!'

Umayos ako ng upo at pinunasan ng palihim ang bibig ko. Baka may panis na laway pang naiwan. Nakakahiya naman.

"Nakarating na tayo." Sabi ni Cally. Tinignan ko si Phoebe na nakatulog na pala sa lap ko.

Ginising ko siya. Kinusot kusot niya ang mata at ngumiti.

" Nasa japan na po tayo?" Tanong niya.

"Yup baby girl! Nakarating na tayo" Sabi ko. Nag 'yehey' naman siya at excited na lumabas sa eroplano.





Sinalubong kami ni Mommy at Daddy. Niyakap ko sila ng mahigpit. Muntik pa nga ako napaiyak kasi matagal tagal na rin simula nang makauwi ako dito.

"I miss you, Dad and Mom!"

"I miss you too, Sweetheart." Mommy kissed my cheeks.

"Hi po Tita and Tito" Bati ni Cally. Buhat niya si Phoebe na masayang nakatingin kila Mommy.

"Im Phoebe po." Nagmano siya kina Mommy at Daddy.

"Hi Phoebe you are so pretty" Kinurot pa ni Mommy ang pisngi nito.

Biglang may kung ano ang kumurot sa puso ko. Haist, ayan na naman ako sa wish ko. Wish ko na sana ako na lang ang Mommy ni Phoebe. Nilagay ni Daddy at ni Cally ang mga maleta namin sa compartment. At buhat buhat ko naman si Phoebe.

"So lets go. May jetlag pa kayo. Atsaka bukas pa ang party. Magpahinga muna kayo" Sabi ni Dad. Sumakay na kami sa kotse.

Si Dad ang nagdridrive at nasa passenger seat si Mommy. Nasa backseat lang kaming tatlo. As usual nasa tabi ng bintana si Phoebe. Mahilig kasi talaga siyang tumingin sa mga sceneries.

Nakarating kaagad kami sa bahay. Wala paring pinagbago. Maganda parin ang Kim Mansion.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Reaching You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon