A/N - Sorry kung natagalan po :)
Chapter 18
Jasper's P.O.V
Naabutan kaya ni Chandrex sila Terrence? Pshh.. BOBO kasi ehh ..
Pumunta nako sa may Gymnasium , maliwanag pero ako lang ang tao ..
May Bola dito , Naglaro ako mag - isa ..
Alam ko plano ni Terrence pero hindi pwede yun .. Hindi dahil sa galit ako sakanya kundi inaalala ko si Sean ...
"mag isa ka nanaman?" Nakita ko si Arnesha .. Dko siya pinansin tuloy ako sa pag didribble ..
Sana di sya umalis .. sana dito lang siya ..
"Kinakausap ko nanaman ang hangin..." She sighed at tumalikod na ..
Aalis siya .. Tinalikuran niya ako ...
"Bakit kayong mga babae mas inuuna ang nararamdaman bago isipin ang pwedeng mangyari?"
Natigil siya sa tanong ko .. Humarap siya saakin pero nakatingin lang ako sa ring..
"Kasi para saming mga babae mas mahalaga ang maexpress namin ang feelings namin..Kaya madalas hindi na namin iniisip ang mga pwedeng mangyari.."
Sagot niya .. Shinoot ko ung bola .. Pshhh
Yun ba? Kaya sila nasasaktan lagi eh .. PUSO bago ISIP tsk.
"Eh bat kayong mga lalaki ang hilig magtago ng tunay na nararamdaman?" Ako naman ang natigil .. Ngayon tinignan ko siya ..
"Utak bago Puso" Seryoso kong sabi .. "Can you please explain?"
Kinuha ko ang bola .. Drinible ko ..
"Mas inuuna namin ang mangyayare kinabukasan bago ang nararamdaman para di kami masaktan" Di tulad ng mga babae tsk. "Ano?"
"Ewan . Kayo kasi kunting kalabit lang bumibigay agad" Kunting pagpapakilig lang naiinlove agad psh.. Tsaka kaka express nila ng feelings nila tinetake advantage ng mga lalaki Tss..
"Kayo din naman may kasalanan eh .. You're making us fall inlove with your sweetness.."
Lagi naman kami ang sinisisi pagdatong sa mga babaeng nasasaktan .. Kasi mas mahalaga side ng babae? Pshh.. Lumapit ako sakanya
"Lahat ng tao kayang mag pakilig , kaya hindi sapat na dahilan ang kasweetan para mainlove kana .. Love needs effort not just sweetness"
Mata sa mata kong sabi saknya ..
Gusto ko siyang yakapin pero bakit pa??
"Hidi ko alam kung dapat ba akong masaktan sa snbi mo or matuwa dahil may alam ka pala about love pero dadarating yung oras na magsisisi ka dahil you are using brain before heart"
Umalis na sya .. Tss... Bakit si Sean? Heart before brain? may nangyari ba? tsk. Parehas sila ni Xia eh
Umalis na din ako dahil may dapat pa pala akong puntahan ..
Nagdrive na ako papunta sa junk shop nila Kris ..
OO lam ko .. At sa tatay ko lumapit tita niya para makapasok sa NMU .. Pero kahapon nalaman kong idedemolish na ang lugar nila at kailangan niya ng malaking halaga .. Kaya siya umaabsent..
May lumapit na lalaki sa kotse ko at kinatok bintana ko .. Binuksan ko
"Costumer ka ni Kris??" Tanong niya .. Hindi ko alam sinasabi niya "Asan sya?" "Ah na kay boss pero iniwan niya order mo 5k to" May nilabas sya ..
O___O
Droga...
Ito ba dahilan bakit sya umaabsent? Na kaya ni Kris to? Di pwede to.
"Pakisabi sakanya kulang yan . kita kami sa Henthrad sa lumang building dagdagan niya yan .. 7pm ngayon"
Sinabi ko yun para magkaharap kami .. Pinaharurot ko kotse ko..
Kristoffer's P.O.V
"Dre kulang daw ee"
"Anak ng! kailangan ko ng pera"
Taga benta ako ng droga pero di ako gumagamit nun .. napilitan akong kumapit sa patalim dahil kailangan ko ng malaking halaga.. alam kong masama ..pero eto ang pinaka madaling paraan ..
"Kita daw kayo henthrad alas siete ngayon dagdagan mo daw . sa lumang building"
--
@Henthrad
inaantay ko yung tao .. 7:00 na sakto ..
Pero nagulat ako sa taong dumating .. Si Jasper
"Oh eto" Nag abot siya ng sobra pag bukas ko lagpas 20,000 pesos
"Pa..pare..."
"asan na? nagbayad nko oh"
Wala siyang pake .. di ko alm kung ano galit ba sya o ano .. ibinalik ko ung sobre...
"hindi pwede.."
"Costumer mko .. akin na"
"Kaibigan kita kaya hindi pwede ...
"Pshh dont you trust us?" Mata sa mata niyang tanong saakin .. umiiwas ako ng tingin kinakabahan ako ...
"Pare kai--"
"Yes or no?"
Si Jasper pala kaharap ko .. hindi marunong makinig sa explaination .. "yes"
"Itigil mo tong kagaguhan mo" Tinignan ko siya .. Dko siya maintindihan ...
"Ano?"
"Kung may tiwala ka saamin itigil moto at umamin kna" May lam ba sya? hindi ko na sya maintindihan...
"illegal things wont help you Kris.. sabihin mo na sa iba bago maunang masira ang lahat para wala kang pagsisihan .. Tandaan mo malaki tiwala namin sayo maiintindihan ka nila"
Tumalikod na sya at umalis
Huminga ako ng malalim ... May alam nga sya
Paano to? oras naba? masira kaya laht? maiintindihan ba nila ako??
---
End of chapter
Okay ba?
Comment and Vote :)))
Author 1 harthart XDD
-Monsterawr
YOU ARE READING
BOYS' P.O.V
Teen Fiction"Lagi nalang BINABALEWALA ang opinyon namin, Laging NAG-MUMUKANG MANHID sa mata ng iba, Laging NAG-MUMUKANG MANLOLOKO.. May nararamdaman din naman kami! kaya puwede kami naman ngayon ang pakinggan niyo? 'COZ IT'S OUR P.O.V"
