HAPPY 30K :)) keep supporting BYSPOV :))
~~
Kris P.O.V
Dinig ko lahat ng sinabi ni Chandrex, naaawa ako sa kanya.. totoo din naman kasi lahat. Nung umalis na siya iniwan niy si Charrie na umiiyak. lalapitan ko sana siya pero bigla siyang tumingin saakin.
"Bakit ganyan kayong mga lalaki? so insensitive?!!" tanong niya
"Hindi kami lahat"
"Tinatago niyo problema niyo, mahilig mag lihim tapos biglang mag babago!!" She walked out, napailing nalang ako sa nangyare.
*sigh* kahit kelan talaga hindi maintindihan ng mga babae ang lalaki.
----
Nasa tapat ako ng bahay ni Akhaya, inaya ko kasi siya ngayong araw.. Pagkalabas niya ng gate ay halos hindi ako makagalaw dahil sa nararamdaman ng puso ko . Mabilis ito pero kasabay nito, para akong tinutusok.
Napaka simple...
PANTALON
PUTING T-SHIRT
ITIM NA CONVERSE
at NAKA GREY NA BONNET lang siya
"Saan tayo?" Tanong niya agad saakin
nginitian ko siya "Sa lugar na puwedeng ihalintulad sa LANGIT" sagot ko, inabot ko ang extrang helmet sa kanya..
"Kanino ito?"
"Sa tito ko, hiniram ko" sabi ko sabay sakay sa motor, umangkas nadin siya "kumapit ka ha?" ngumiti lang siya at ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko.
pinaandar kona ang motor, parehas kaming tahimik, ramdam kong dinadama niya ang hangin..
mamimiss ko yakap niya.. halos 30 minutes kaming ganito medjo malayo layo kasi. pinarada ko na sa isang tabi ang motor at inalalayan ko siyang bumaba.
kita sa mga mata niya ang pagka-mangha dahil sa nakikita niya. "What is this place? akala ko sa fairytale kolang makikita to" sabi niya habang nililibot ng mata niya ang lugar, ngumiti lang ako.
Enchanted ang lugar na ito dahil mapuno, maraming halaman na may magagandang bulaklak, may makukulay na insekto ang lumilipad, merong ilog na nag hahati sa lugar na ito, meron ding tulay na malawak at may mga bench na kahoy sa tulay mismo
tumakbo siya sa tulay, sinundan ko siya.. mas namangha siya sa ilog dahil sa linaw ng tubig at kitang kia ang mga isdang nag sisilangoy
"This is Heaven" sambit niya ng nakangiti
"Sabi sayo ehh" umupo kami
"How did you find this place?"
"Dinala lang ako ng paa ko dito noon"
"bakit moko dinala dito?" sumikip ang dibdib ko, huminga ng malalim at nginitian siya ng pilit.
"dahil gusto kita makasama sa lugar na payapa at tahimik." sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. hinawakan ko ang kamay niya
"Puwede mo ba akong kantahan?" tanong ko sa kanya..
hindi niya ako sinagot pero nag hummm.. siya ng safe and sound, pumikit ako matagal kaming nakaganito.
"Natatakot ka?" she asked
tinignan ko siya at nakatingin siya sa kamay namin eto na.. "OO"
"Why?" huminga ako ng malalim...
"Ayokong mawala sa tabi mo, natatakot akong may ibang lalaking pumwesto sa tabi mo." she smiled
"dika naman mawawala sa tabi ko." biglang nag bago ang ekspressyon niya, napalitan ng pag tataka. "Aalis ka?"
hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya, "BABALIK AKO, ANTAYIN MOKO" nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Bakit?"
"Para sa FUTURE KO, FUTURE MO, FUTURE NATIN "
"Kris.."
"Akhaya.. babalik ako pag kaya ko nang suportahan sarili ko"
"gaano katagal?"
"Hindi ko alam.. Pero antayin moko babalik ako, papakasalan kita " sabi ko nang nakangiti, aamin nako
"Mahal kita Akhaya, IKAW ANG PUSO KO"
END
~~~
VOMMENT??
BINABASA MO ANG
BOYS' P.O.V
Teen Fiction"Lagi nalang BINABALEWALA ang opinyon namin, Laging NAG-MUMUKANG MANHID sa mata ng iba, Laging NAG-MUMUKANG MANLOLOKO.. May nararamdaman din naman kami! kaya puwede kami naman ngayon ang pakinggan niyo? 'COZ IT'S OUR P.O.V"