Third Person's P.O.V
Matapos ang komprontasyon nung gabi iyon, tinuloy ni Kris ang pag-alis nito.. at sa klase dahil mag kakatabi ang apat lagi na itong tahimik at walang kibo.
bumalik sa normal ang lahat matapos ang 3 linggo
MR. Perfect parin si Sean
Mr. Childish parin si Chandrex
Mr. Cold parin si Jasper at
Mr. Cassanova parin si Terrence.
Ang kinaibahan lang.. hindi sila nag kikibuan, hindi sila nag papansinan, hindi na sila mag kakakilala. hindi nadin pumapasok ng school si Xia
----
Sean's P.O.V
"Ano ba kasing ginawa ko at iniwan moko?" habang umiiyk siya. Lasing nanaman siya
nasa Barzone kami, bat ganito mga babae? kahit di naman umiinom nag papakalasing pag heartbroken? napailing nalang ako at kinalabit siya
"Huy Audrey.. gising na" Nakapikit kasi tas ang likot likot, nag sasalita pa. Tumayo ako at nilagay ang braso niya sa leeg ko para alalayan siyang mag lakad, kung hndi ko kasi to alalayan sigurado pagewang-gewang to
"Bakit mo kasi ako iniwan?" sabi niya ulit.
sino nanaman ba nanakit sayo? lagi ka nalang nag kakaganyan ehh.. nahihirapan akong makita kang nag kakaganyan..
sa sobrang likot niya mag lakad, nakabungo siya ng babae.. Naku !
"Sorry" sabi ko habang nakatalikod yung babaeng nabangga ni Audrey. Parang pamilyar yung likod niya sakin. Biglang humarap yung babae mula sa pagkakatalikod niya, nagulat ako sa nakita ko "Bib..Brina?"
tatlong taon.. talong taon ko siyang hindi nakita, pag ka graduate namin ng year 5 nag kawatak-watak ang batch namin para mag college, iilan nalang kaming natira sa dati naming school.
ngumiti siya sakin.. isang matamis na ngiti, ang ngiting gusto kong makita sa kanya noon.. "Si Audrey yan diba? lasing?" tumango ako at tinulungan niya akong umalalay kay Audrey, nasa kabilang side siya.
okay na ang parents namin, yun ang alam ko. Ibang-iba si Brina ngayon, ang kalmado niya masyado. Pinatunog ko kotse ko at sinakay si Audrey sa passenger seat, tulog na tulog siya. ako na nag lagay ng seatbelt.
"Salamat" sabi ko kay Brina.
Umupo kami saglit sa hood ng kotse ko. "kulang pa nga yan ehh. Matapos ng ginawa ko sayo" tinitigan ko siya.. si Brina ba talaga to?
"Sean naman ehh. wag moko titigan ng ganyan" nahihiya niyang sabi, Napangiti ako.. Her sweet voice, yan ang pinapangarap ko dati.
"You never failed to amuse me" sambit ko
"Sean.. can we be friends?" nilahad niya ang kanang kamay niya
aaminin ko, may konting puwang sa puso ko na nagsasabing may pag-asa ako ulit kay Brina.. PUwede paba? hindi naman nag bago tingin ko sa kanya ehh, puwede na kaya? This time yung totohanan naman.. ang lalim ng naisip ko, pero nakikipag kaibigan palang siya.
ngumiti ako.. "Of Course" i said and does a shake hand with her
*BEEEEEEEEEEEEEEP!!*
nagulat kasi sa busina ng kotse ko.. si Audrey may pakana
"Sige na Sean, i have to go.. i'll just text you, yun parin ba number mo?" i nodded tapos nag wave na siya paalis. So unbelievable
----
nagising ako sa liwanag ng araw.
i sighed.. tumingin ako sa kanan ko tulog padin si Audrey, sa kotse ko kami natulog.. alam kong mapapagalitan to ehh
si Brina ba talaga yun? hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko yung kagabe.
"Ahhh shit ulo ko! >3<"
nagising na si Audrey, hawak hawak ulo niya.. tsssss hang over
"Sino ba kasi nag sabing mag lasing ka?"
tinignan niya ko ng masama.. "wala" sagot niya.
inayos kona upuan ko at nag drive. "Sino nang iwan sayo?"
"Wala kana dun" tsss.. bakit ang sungit neto ngayon, red tide siguro?
"Audrey, simula ngayon gusto ko malaman lahat ng mga ide-date mo" nagulat siya sa sinabi ko. Ayoko na kasi masaktan siya.. tinignan ko siya, baka isipin niyang may gusto pako sa kanya
"Kaibigan kita Aud, ayokong may nananakit sayo at iiyak ka" dagdag ko.
"OO.. mag-kaibigan tayo" sabi niya, bakit parang na-hurt siya?
"iuwi mo nako." malungkot niyang sabi
"Mag-breakfast muna tayo, mahirap na pag umuwi kang may hangover"
hindi na siya umimik..
ako parin ba? Audrey ilang taon na.. Please move on.. please.
lalaki ako kaya nararamdaman ko.
~~~~
Hello :)) Saan kayo boto sa SeanDrey o sa SeanBri?
comment below :)
VOMMENT :))

KAMU SEDANG MEMBACA
BOYS' P.O.V
Fiksi Remaja"Lagi nalang BINABALEWALA ang opinyon namin, Laging NAG-MUMUKANG MANHID sa mata ng iba, Laging NAG-MUMUKANG MANLOLOKO.. May nararamdaman din naman kami! kaya puwede kami naman ngayon ang pakinggan niyo? 'COZ IT'S OUR P.O.V"