Chapter 11 Downside

7.3K 237 5
                                    

Dedicated realcallbeauty
Soundtrack: Rebel Heart by First Aid Kit

It's been three months since we left the mansion. And its been 3 months na rin na hanggang ngayon nasa lesson 1 pa rin kami but of course I can see the changes. I can do 200 sprints in less than an hour, I can swim swiftly now, I can do push-ups every day, I can punch the rough cement without complaint but of course, there is still the pain and the most rewarding of all the pieces of training I've done so far was, I can hoist myself up in the grill! Damn! I never imagined I can do it! The first was a hard one but with the help of Pink which she helped me walk through it with her at my side, I can say that I did great! At ngayon nagagawa ko ng umakyat at bumaba without her help! Damn. For the first time, I am proud of myself! But of course andun pa rin yung nahihirapan pa akong patamaan ang target ko medyo may pagbabago naman because I can shoot an apple, natatamaan naman ito iyon nga lang daplis. I want a bullseye! At yan ang kailangan kong pang i-practice nang mabuti. Sometimes Pink and I do the sparring. Medyo umaabot kami ng hating-gabi sa kaka sparring. And I learned some of her defense movements. Minsan tumatakas ako para magpractice ng different techniques when it comes to falling, tumbling, and somersault. Hindi ko inisip kung ilang beses akong nabalian at nagpapanggap sa harap ni Pink para lang mamaster ang mga iyon. Hindi ko alam kung nahalata nito iyon but I guess hindi.

And its been three months mula ng umalis kami ay nabalitaan kong pinatay nilang lahat ng sumugod doon. Pierre was actually in the midst of his anger when he accidentally killed the leader using his power. Everyone was stunned when Pierre did it. Hindi pa rin maintindihan kung bakit galit na galit ito noon. He was a man of composure at dahil may sinabi daw ang leader ay nawalan ito ng control. At hanggang ngayon hindi ko alam kung anong taglay nitong kapangyarihan. Pink never mentioned it anyway she just said Pierre was responsible for it. After that wala na akong naging balita pa sa kanila maliban sa nagpatuloy daw ang kani-kanilang training. I don't know if they are looking for me dahil wala namang nabanggit saken si Pink about doon. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit hindi pa kami bumabalik doon. I think there's no threat anymore. Napabalik ako sa kalukuyan ng matamaan ako ng isang baseball.

"Ouch!" napahawak ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama nito saken. Damn it!

"You're spacing out Erinye"

Andito kami ngayon sa labas ng rest house. We're in the middle of training. Before sunrise ay andito na kami, binabato niya ako ng base ball at kailangan kung umilag para hindi ako matamaan. Its a part of training para maging alerto at mapabilis ang reflexes ko. She will throw the ball at her might kaya malakas ito kapag natamaan ka. Tiningnan ko siya ng masama dahil doon. She didn't mind me at mas lalong nilakasan at binilisan ang paghahagis ng mga base ball. I tried my best para maiwasan ito. Meron papunta sa paa ko at agad akong tumalon. We are doing this for almost three days now as a part of training. The first and second was hard because I'm still adjusting but now I can manage. Napa ouch ulit ako ng matamaan ang kaliwang bahagi ng braso ko. Well I thought so I can manage.

"More practice next time Erinye" anito. Naubos na ang lahat ng bola ng mag-umpisa itong pumasok sa loob. As usual I'm going to fix first the mess before following her.

Inumpisahan kong pulutin lahat ng bola at nilagay sa kalapit na basket. Pagkatapos ay pumasok ako dala-dala ito. When I enter the room I saw her fixing her hair. Bumaling ito saken saka ako tinanguan. Sinabi na niya kanina na may pupuntahan kami as part of training. Sa tatlong buwan naming magkasama madalang lang kaming mag-usap because she don't want noise. Ayaw na ayaw nitong kinukulit siya. She just said those information because I never stop asking her. Napuno na ata siya noon kaya sinabi niya lahat. Pumunta ako sa kwarto ko saka nagpalit ng damit. Lumabas ako at nagpatiunang sumakay sa kotse nito. For the last month she tried to convince me to learn how to drive but I keep on insisting na pag magaling na ako sa lahat saka pa lang ako magpapaturong mag drive which she answered me with a smile.

Blood Crystal  (COMPLETED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon