Chapter 7: Unforgettable Day 2

14 2 0
                                    

3 minutes na kaming naghihintay ni Jizelle dito. I saw Sherwin and Enricky talking from a far. Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina ko pa di inaalis yung tingin ko sa kanila. Well, honestly kay Enricky lang talaga. LOL. :D

"Itong si Sherwin di mo maintindihan kung sya ba 'tong may gusto kay Enricky eh." Saad ni Jizelle. Nakatingin din kasi sya sa direksyon kung saan nakatingin ako.  Maya-maya lang din, nakita kong nagpaalam na si Enricky kay Sherwin at pumasok na ng Building. Si Sherwin naman dali-daling tumakbo papalapit samin.

"Mga bhe!" Bungad nya, ".. So ayun naman pala. Campaign Manager pala sya sa isang Party List dito sa school kaya ang aga nya dito."

"Eh bakit ka nagpahintay samin dito?" Tanong ni Jizelle.

"Wala lang. Bakit ba?!" Sabay irap nya. Umakto naman si Jizelle nasasapakin nya si Sherwin. Buti na lang talaga nasa gitna ako.

Pagpasok namin sa Building namin, andun na naman sya sa Bulletin Board. Nakatayo, may binabasa.

Nakaramdam na naman ako ng tensyon sa buong katawan ko. Feeling ko tuloy nanghihina yung mga tuhod ko.

Ano ba naman ito? Bakit ganito?

Second to the last pa kasi yung room namin. Kumbaga, yung Entrance at Exit magkabilang dulo. Yung entrance mapalit sa Room 1 tapos yung Exit mapalit sa 5. Tapos yung Bulletin Board nasa gitna, which is Room 3. Ang room namin is Room 4.

Kahit gilid lang ng mukha nya ang nakikita ko, tanaw na tanaw ko pa rin. Ang cute nya talaga, lalo na sa cup nyang suot. Feeling ko tuloy huminto saglet yung mundo ko.

"Si Enricky, bhe." Narinig kong sabi ni Sherwin pero di ako nag-react. Pati sila napatigil din.

"She, kung ngayon mo na kaya sya ipakilala?"

"Oo nga pala, sige."

Hindi ko na napansin pa yung pag-uusap nila Jizelle at Sherwin. Hindi ko na rin napansin yung mga nangyayari. Dahil masyado na kong nadala sa nangyayari ngayon. Dahil pakiramdam ko, tinangay ni Enricky ang atensyon ko. Narinig kong tinawag ni Sherwin si Enricky. Napatingin naman sya sa direksyon namin.

Teka, bakit parang palapit sya ng palapit? Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Basta ang alam ko, si Enricky ay nasa harapan ko.

"Oh? Hey." He said, at his deep voice. Bakit ngayon naman feeling ko talaga nasa harap ko na sya ngayon? Ang pungay pungay ng mga mata nya. Pagod ba sya?

"Naalala mo yung sinasabi ko sayo na ipapakilala ko?"

"Ah, oo." Nakangiti nyang sabi. Sobrang aliwalas ng paligid ko dahil sa ngiti nya.

"Si Lheily Ann." Naramdaman ko na lang ang mahinang pagtulak sakin ni Sherwin. Nakatitig lang ako sa mga mata nya. Yung mga mata nya na lalo akong nahuhulog.

"Hi, finally. I meet you again. I'm Enricky." Inabot nya yung kamay nya.

"Hi. I'm yours."

"Huh?"

"And you're mine." Nakatitig pa rin ako sa mga mata nya. Biglang syang natawa.

Naisip ko bigla. Bakit sya tumatawa? Anong bang nakakatawa? Then he patted my head na medyo natatawa. I gasped as he did that.

Andun ko lang napagtanto na nakatayo sya harap ko. Wait, anong nangyari kanina? Parang kanina nag-iimagine lang ako ah? Totoo ba yun? At hanggang ngayon di pa rin nawawala yung tuwa nya. Yung tawa nya na kaming dalawa lang ang nakakarinig.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?"

"Wala naman." Sabay ngiti nya, "..natuwa lang ako kasi sabi mo, 'I'm yours,  and you're mine.'" Natatawa nyang sabi. Ay shemay! Sinabi ko yun? Sa isip ko lang sinabi yun ah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Certified CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon