Love at first sight? yun ba yung nagkagusto ka sa taong walang pag-asang makilala mo.
--
Unang kita ko palang sayo,
Alam kong tinamaan na ako ng todo,
Teka, bakit ganito?
Ang lakas naman yata ng dating mo.Sundan man kita ng tingin,
Alam kong tayo'y magkakalayo rin,
Pero ako'y umaasa palagi,
Na sana ika'y makita muliMinsan na nga lang makatagpo,
Ngunit bakit kelangan pang magkalayo,
Tadhana nga naman mapaglaro,
Puso ko tuloy tila sasabog.Di ko man alam ang pangalan mo,
Nakatatak naman ang iyong mukha sa puso ko,
Puro sana na lang ang aking masasabi,
Dahil alam ko namang mahirap mangyari.