One Sided Love

89 0 0
                                    

Yung tipong minamahal mo sya,

Habang sya, may iba,

Yung tipong gagagwinmo lahat para sa kanya,

At sya naman gagawin ang lahat para sa iba


Yung tipong mahal kitang tapat,

Pero para sayo hindi sapat,

Sya lang kasi yung nakikita mo, 

Sya lang yung "perfect" para sayo


Hindi ko alam kung sinasadya mo o ano,

Pero ang sakit na, todo-todo,

Bakit ba kasi ang tanga ko pagdating sayo?

Naiinis na ko sa sarili ko


Gusto kong gawin lahat,

Para mapatunayan na mahal kita higit pa sa sapat,

Ang kaso bulag ka pagdating sa kanya,

Hindi mo tuloy makitang mahal kita


Minsan parang mas gusto ko na lang na pumikit,

Para hindi ko makitang mahal mo sya,

Pero wag ka namang sanang pumikit,

Nang makita mong mahal kita,


Minsan napapaisip ako,

Bakit ba ikaw pa ang minahal ko?

Bakit ikaw pa ang gusto ko?

Kahit alam kong nasasaktan na ko


Kelan mo kaya makikita ang pagmamahal ko sayo?

Kelan kaya mapupunta sakin ang atensyon mo?

Kelan kaya mangyayari ang mga hiling ko?

Kelan kaya dadating yung araw na sasabihin mong, mahal mo na din ako.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoemsWhere stories live. Discover now