Oo, magaling akong magsulat,
Hasa ako sa pagsasama ng mga salita na para sa iba ay tila alamat,
Pero kahit ako'y bihasa na tulad ng sabi ng iba,
Na henyo sa paghambing ng mga letra,
Magsulat ng mga matatamis na salita,
Na nakakapaglambing sa puso ng iba,
Oo, magaling ako sa ganyan,
Ngunit sa totoong buhay ay di ko magawa ang mga 'yan,
Kaya't dinaan ko sa pagsusulat ang pagmamahal ko sa kanya,
Ng saganon ay nasasabi ko pa rin kung gaano ko sya kamahal,
Kahit palihim lang nasigaw, hindi nya naririnig na sinasabi kong “ikaw ang aking minamahal”,
Hindi nya naririnig ngunit nalalaman nyo,
Kung gaano ko sya kamahal ng todo,
Wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang mga salita inihahambing ko para sayo,
Wala akong conpidensya na magsasabing “sabihin mo na, Go!”
Kaya't habang ako'y nagsusulat pa,
Habang ako'y naghahambing pa ng mga matatamis na salita,
Habang pinagsasama ko pa ang mga salitang gumuguhit saking utak,
Na ikaw lang ang nagiisang nakatatak,
Tandaan mo, sa bawat salitang nababasa mo sa libro ko,
Sa bawat ngiti mo habang binabasa ang mga salitang nakalagayn doon,
Ginawa ko 'yun para sayo,
Naalam kong kahit kelan ay hindi ko masasabi sayo ang mga katagang 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/87022813-288-k590616.jpg)