Expectations
Nakatingin ka sakin habang nakangiti,
Nakikita ko tuloy ang mga bagay na dati ko pangminimithi,
Nung ngumiti ka, napansin ko ang mga mata ay mas sumingkit,
Nagbigay ng dahilan para gusto kitang makamit
Pagpasok ko nakita agad kitang nakatingin sakin,
Napangiti naman ako sa iyo,
Inalis ko ang tingin ko sayo,
Ngunit ng tignan kita muli, nakangiti ka na naman sakin
Bago ako umalis, napatingin ako sayo,
Nag-"hi" ka, at sinagot kita ng "hello"
Kumpleto na ang araw ko,
Nakausap ko na kasi ang taong mahal ko
Reality
Akala ko sakin ka nakangiti,
Akala ko sakin ka nakatingin,
Akala ko ako ang dahilan ng pagsingkit ng mata mo,
Hindi pala, sa kanya pala natuon ang atensyon mo
Pagpasok ko, natingin ka sakin,
Mali hindi pala, sabay nga pala kaming pumasok,
Ng lumingon ako, nakatingin ka sakin habang nakangiti,
Ng bigla kong maalala na ang katabi ko pala ang dahil ng iyong ngiti,
Bago ako umuwi, akala ko sakin ka nag-"hi"
Hindi pala, sakanya pala, ang nagawa ko na lang ay napa-"hayyy",
Pinahiya ko sarili ko,
Ang sama tuloy ng araw ko.
