Bitter

138 5 0
                                    

Bitter? Yung taong hindi naniniwala sa FOREVER!!

--

Taong nagmahal ng todo,
Ngunit bakit pa ginago?
Ang dating mapagmahal na tao,
Puso ay nabalutan ng bato.

Hugot dito, hugot doon,
Iyak dito, iyak doon,
Kaya nangakong magbabago,
Di na tuloy nagseseryoso.

Laging sigaw "Walang Forever",
Na parang ang buhay nya ay For Never,
Makapagsabi sa lalaki ng manloloko,
Na parang wala ng panahon para magbago.

Ang dating masiglang tao,
Ngayo'y biglang nagbago,
Dahil sa lalaking manloloko,
Na may listahan ng babae sa kwaderno.

PoemsWhere stories live. Discover now