Mahirap para sakin ang maging stalker,
'Coz I can't see your face closer,
Lagi lang akong nasa malayo,
Nakasubabay sayo
Sa bawat paggalaw mo,
Kitang-kita ng mga mata ko,
Pero kahit ganito ang sitwasyon ko,
Masaya pa rin ako
Hindi ako humuhiling ng kahit na ano,
Kontento na kasi ako sa kung anong meron ako,
Pero kung magkaroon man ng pagkakataon na matupad ang hiling ko,
Yun ay magkaroon ako ng lakas loob na tumayo sa harap mo
Tatayo lang ako,
Walang ibang gagawin kundi tumayo,
Alam ko naman kasing walang lalabas na salita sa bibig ko,
Alam ko naman kasing matatameme ako sa harap mo
Masaya maging stalker mo,
Nakikita ko ang bawat ngiti na bumubuo ng araw ko,
Nakikita ko ang tunay mo na ugali,
Dahilan para mas lalong kitang gustong mamithi
Hindi mo man ako napapansin,
Sayo pa rin nakatuon ang aking pansin,
Hindi ka man tumingin sa direksyon ko,
Nakatingin naman ako sa direksyon mo
Marahil tayo'y laging magkasalungat,
Okay lang, sapagkat mahal kita ng tapat,
Hindi mo man ako mahalin pabalik,
At least naririnig ko iyong mga halikhik
Kuntento na ko sa ganito,
Ako, nasa malayo, habang nakatingin sayo,
Sinusubaybayan lahat ng ginagawa at kasama mo,
At yung taong patuloy na nagmamahal sayo..
