Salitang nakakabaliw,
Kilusang hindi nakaka-aliw,
Kainis man sa paningin,
Di mapigilan na gawin,
Di mapigilang tumili,
Kapag si crush ay ngumiti,
Papansin na kung minsan,
Maarte naman ang ilan.
Akala mo kulang sa pansin,
Na mamatay kapag di napansin,
Bwisit man ang ilan,
Nakaka-irita naman, kadalasan.
Wag na lang gayahin
Mga ugaling nakakabaliw,
Wag maging papansin,
Baka kayo'y maging kainisan din.
