Character

79 0 1
                                    

Ginusto kong maging karakter ng isang istorya

Istory na kakaiba na itinadhana para sating dalawa,

Ng saganon ay alam kong tayo pa rin hanggang sa huli,

Ikaw at ako pa rin, hindi magbabago,

Kapag may sitwasyon ay hindi ako masyadong mapapakali,

Kasi alam kong may gustong gawin ang manunulat at kontrolado nya ito,

Pagsubok lang na may solusyon din,

Problema na sigurado akong magpatatagumpayan din,

Dahil kontrolado ito ng manunulat,

Sa bawat pahina na may sulat,

Ay mahalaga dahil ito na ang aking buhay,

Hindi ko inakalang magiging ganito ang kahahantungan,

Ang pinapangarap ko ay nagaganap, napunta sa isang istorya ang aking buhay,

Ngunit sa kasamaang palad, istorya nyo palang dalawa,

Na ako ay isang panira,

Kontrabida, na hinangad na sirain ang inyong pagsasama,

Ngunit sa huli, kayo pa rin talaga.

PoemsWhere stories live. Discover now