Hay kahirap naman exam namin ngayon! May galit ata si Mam She sa mundo. Ilang beses ko nang binaliktad itong hawak kong papel wala pa rin talaga.
Surprise test daw 'to. Oo sobra talaga akong nasopresa sa test na 'to. Hindi man lang ako nakapagreview!
May sumipa sa upuan ko kaya napalingon ako dito.
Woah! Thanks papa G may himala ata ngayon.
May itinaas na papel si Fenech.
Iyon na sana 'yon. Nadismaya ako sa papel na itinaas niya.
'pakopya!'
Hanep mukhang may hinihintay sila. Tumingin ako sa paligid. Wow ang saya kanya-kanya sila ng diskarte.
Tumingin ako sa gawi ng instructor namin.. busy ito sa kung ano sa cellphone nito, panay pa ngiti nito. Walang alam sa mundo si Mam She, hindi man lang makaramdam sa paligid nito. Kinikilig na ewan si Mam.
Lumingon ulit ako sa likuran ko. Nakangiti sila Fenech habang bahagyang itinaas ulit nito 'yong papel na pinagsulatan nito ng napakagandang mensaheng nakita ko sa buong buhay ko.
Napangisi ako dito. Hinarap ko ulit ang test paper ko at sinimulang sagutan.
*grins*
Ang liwanag ng ideya ko. Pagkatapos kong sagutan test paper ko, pasimpleng ibinaba ko ito at ipinakita sa may likuran ko.
*grins*
Ewan ko ba, ang laki ng bilib nila sa'kin. Masaya 'to, kung mabubokya ako, hindi ako nag-iisa. Ang dami kong karamay!
*laughs*
Pagkatapos ng ilang minuto tumingin ulit ako sa likuran at nagthumbs-up sa mga ito. Ngumiti naman sila sa'kin.
*grins*
Kung alam lang nila. Hehehe. Hundred percent gawain din ito ni author. *belat*
"Maymay thank you kanina." Sabi ni Fenech habang naglalakad na kami papuntang next subject namin.
Hehehe kung alam lang niya. Naku kapag ako inaway ng mga nangopya sa sagot ko, kukutusan ko talaga silaq ng bente! Aba hilig kasi nilang umasa.
Nginitian ko lang siya.
"Maymay.."
"Oh kaw pala Vivoree." Nangiwing sabi ko. Ngayon ko lang ulit siya naalala. Sabagay hindi ko naman ito nakikita dito.
"Iyong napag-usapaan nati.."
"Ah oo. Siya nga pala, ahm girls si Vivoree pala. Viv sina Fenech at Kisses mga kaibigan ko." Pakilala ko sa kanila isa't-isa.
"Hi" magkasabay na sabi nila Kisses at Fenech.
Tumango lang si Vivoree sa kanila.
"Maymay.." pukaw ni Viv sa'kin.
Naku wag kang magsalita andito si baby Kisses. Sipain ta ka!
"Ah sige.. girls una muna kayo." Pagtataboy ko sa dalawa kong kaibigan.
Kahit parang may gusto pa silang itanong, nagpaalam na sila.
"Maymay please tulungan mo na ako. Tagal kong hinintay text mo kaso wala."
Sungabels teh?! Malamang, wala tayong number sa isa't- isa.
"Ah.. sorry busy lang ako nitong nakaraang araw." Apologetic na sabi ko.
BINABASA MO ANG
MAYWARD fanfic: Lihim (completed)
FanfictionThis story is dedicated to all MayWard fans.. Spread MayWardnatics and spread love.. P.s: Para sa mga maliligaw sa istoryang ito. Ihanda ang sariling matawa, matuwa, mabwisit, umiyak, kiligin (kung meron man), magalit ( o magalit sa akin, huwag niyo...