Napakunot noo ako ng huminto kami mismo ng bahay namin ng asawa ko. Kanina pa ako sa daan nagtataka. Kapag nagtatanong naman ako, iniisnob lang ako ng koreanong hilaw sa tabi ko."We're here. Glad that I know how to follow the instructions."
Napalingon ako sa katabi ko. Mukha itong tanga kung anu-ano pinagsasabi nito.
"So. . Miss. Unfortunate you may now get your ass out of this car." Nakangisi nitong sabi.
Magbula sana ang bibig ng koreanong hilaw na 'to.
"Teka paano mo nalaman ang bahay ko?"
"Because I'm smart." Confident nitong sabi.
Grabe ang tino nitong kausap.
Inikutan ko ito ng mga mata saka ko binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Pero bago ako lumabas bigla akong may naalala.
"Hintayin mo ako dito. Kuha lang ako ng mga damit ko. Sa kabilang bahay ako uuwi." Bilin ko dito bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan nito.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng bakuran namin.
Ayaw ko na ring magtanong sa koreanong hilaw na 'yon kung bakit niya alam ang bahay namin. Sobrang weird nito, ewan ko ba pero pakiramdam ko naman katiwa-tiwala naman ito kahit mukha itong adik.
"Wife. ."
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang niluwa ng pinto si Edwardo.
Lahat ng sakit na pansamantala kong kinalimutan ay bigla nalang bumalik pagkakita ko dito.
"Marydale.."
Tinalikuran ko ito.
Bakit naisipan ko pang pumasok dito?
"Marydale..."
Hinawakan nito ang braso ko na agad ko rin naman tinanggal.
"Wife..."
Galit na humarap ako dito.
"Wife huh??? May gana ka pang tawagin akong asawa mo!!!" Hindi ko napigilang sigaw dito.
"Maryda...."
"Alam mo ba kung gaano kita kamahal? Sobra..... At alam mo ba kung....kung gaano mo ako sinaktan mas sobra-sobra..."
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak. Kahit pala anong pigil ko tutulo at tutulo pa rin dahil iyong sakit kay hirap din pigilan at itago.
"Kaya tama na Edwardo.. sinusuko ko na kung anumang meron satin. Hin...."
"No. I won't allow you to do that!" Mariing putol nito sa'kin.
Napatanga ako sa sinabi nito.
"Ano bang pinagsasabi mo? Akala mo ba nakikipagbiruan lang ako sayo?"
Hibang na siguro itong si Edwardo.
"You're my wife. And still my wife.."
"Baliw... Ako ba pinagluluko mo?!"
Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinila. Nakarating kami sa sasakyan nito.
"Teka ano ba?!!"
"Get in!" Utos nito.
"Aba't kung makapag-utos ka wagas. Akala mo siguro susun....waahhh Edwardo ibaba mo ako!!!"
"Tsk!"
Sapilitang ipinasok ako nito sa loob ng kotse nito. Pumasok na rin ito.
"Ang kapal ng mukha mo para ganituhin ako!!!" Sigaw ko dito wala na akong pakialam kung mabingi man ito. "Akala mo ba madadaan mo ako sa mga ganito!! Namili ka na di ba?!!!"
BINABASA MO ANG
MAYWARD fanfic: Lihim (completed)
FanfictionThis story is dedicated to all MayWard fans.. Spread MayWardnatics and spread love.. P.s: Para sa mga maliligaw sa istoryang ito. Ihanda ang sariling matawa, matuwa, mabwisit, umiyak, kiligin (kung meron man), magalit ( o magalit sa akin, huwag niyo...