Malapit na pala ang sem break. Ayokong umuwi ng probinsya, sayang pamasahe ko.Kailangan ko ring maghanap ng part time job kahit ilang araw lang. Malapit na rin kasi graduation namin, isang sem nalang.
"Gurl you're so tagal.. tara na gutom na ako. Sa bahay nalang tayo kumain, bili nalang tayo ng lutong ulam." Sabi ni Fenech kay Kisses.
Kakatapos lang ng community service namin. Nandito na kami sa school.
Naglakad na kami papuntang canteen. Pero di pa kami nakakapasok ng may mga babaing humara sa harapan namin.
Aba kilala ko sila! Sinong makakalimot sa limang power rangers 'to?!
Nakataas ang mga kilay ng mga ito sa'min.
Wow ibang klase, ganung pa rin kulay mga suot nila. Aspiring power rangers talaga sila.
"You!" Duro ng nakaitim na babae sa'kin. "Because of you, nanganganib ang pananatili namin dito!"
"Anong ginawa mo ha?!" Galit na sigaw naman nung naka-dilaw.
Napakunot-noo ako. Aba ako pa may ginawa, samantalang sa pagkakatanda ko, ako dito 'yong nanganganib ang pananatili sa school na 'to.
"Hoy power rangers dahan-dahan kayo sa pananalita diyan, kahit may super powers kayo.. kaya namin kayong patumbahin." Sigaw ni Kisses dito.
"Yah she's right..coz we are Brother's Angel!" pagsang-ayon ni Fenech. Itinaas pa nito ng bahagya ang kamay at kunwaring nag-ala jackie chan position.
<('_ _ )?? Brother's Angel??
Nakita kong nagform position din si Kisses na kunwari may dalang baril na gamit ang isa nitong kamay at itinutok sa limang power rangers.
Ang matinde nito.
Nagform position din ang lima, nag-ala-power rangers na talaga sila.
"Mga papansin kayo sa The Brothers, feeling close kayong tatlo sa kanila."sigaw nung naka-pulang bestida.
"Malamang pinsan ko ang isa haller! Duh!" Maarteng sabi ni Fenech. Bored na pinasadahan nito ng tingin ang limang babae sa harapan namin.
"Bakit ba kayo nakasabat ditong dalawa! Iyang babae lang 'yan ang kailangan namin!" Duro ulit sa'kin nung naka-itim.
Ang tindi talaga ng sapak ng limang ito. Buti naman nagpakita sila sa'kin ng masapak ko sila.
"Naku naman mga limang aspiring power rangers, buti nagkrus din mga landas natin. Ilang araw ko na kayo hina-haunting ah" Nakangising sabi ko sa mga ito. Pinagpingkis ko ang mga kamay ko at itinaas ang manggas ng suot kong tshirt.
"Ikaw na babae ka inagaw mo samin si Papa Edward!" Sigaw ni yellow ranger.
"Inagaw! Anak ka ba ni Edwardo? Oh my ghad! Bakit di ako na-inform?! May anak na pala siya." Gulat na sabi ko.
May kumalabit sa'kin kaya napatingin ako sa tabi ko.
"Ate May umayos ka.. hindi niya 'yan anak. Ate naman seryoso tayo dito." sabi ni Kisses.
"Ah.. eh.. wala akong iniisip na ganyan ah. Oo naman serious tayo dito baby Kiss. He he!" Nagkakamot-ulong sabi ko dito.
"Inagaw mo samin si Papa Edward!" Sigaw ni pink ranger.
Ganun ko nalang sila tatawagin. Haba kasi kapag sinabi ko pa na ganito, ganun suot nila. *kamot-ulo*
"Teka nga paulit-ulit tayo sa agaw-agaw na 'yan mga ateng. Wala bang bago?" Reklamo ko.
BINABASA MO ANG
MAYWARD fanfic: Lihim (completed)
FanfictionThis story is dedicated to all MayWard fans.. Spread MayWardnatics and spread love.. P.s: Para sa mga maliligaw sa istoryang ito. Ihanda ang sariling matawa, matuwa, mabwisit, umiyak, kiligin (kung meron man), magalit ( o magalit sa akin, huwag niyo...