Late na ako! Gustuhin ko man sisihin ang youtube eh, sobrang nakakatimang nun. Ang dami kong pinanuod, karamihan ata puros reaksyon video.Tumingin ako sa suot kong relo.. malapit ng mag-eight. Paktay nah! Siguradong parang dragon na naman si Bossing Edwardo.
Tatlo araw na ang nakakalipas pakiramdam ko mas lalong sumungit si Edwardo. Konting pagkakamali ko lang, big deal na sa kanya. Grabe, bilib na ako sa pagiging perfectionist niya. Sarap niyang sabitan ng medalya at bigyan ng recognition for being perfectionist!!
Tumingin ulit ako sa suot kong relo. Wala na, kahit magsisigaw pa ako dito, late na ako.
Bakit naman kasi nauso ang salitang trapik sa diksyunaryo?!
Makalipas ng higit isang oras ng sa makarating din ako. Hindi na ako nag-abalang tumakbo pa. Para naman saan 'yon kung sobrang late na ako. Pagpapawisan na nga ako, worst magmumukhang ewan lang ang labas ko nun.
Habang naglalakad ako papuntang elevator may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.
"Miss Entrata.."
Lumingon ako sa aking likuran, parang gusto kong magsising lumingon pa.
Tipid na ngumiti ako dito at binati siya. Tumakbo ito papuntang gawi ko.
"Sabay na tayo.. may pinag-utos ata sayo ang magaling kong boyfriend." Nakangiting sabi ni Miss Rita.
Boyfriend.. ang sakit talaga sa dibdib.
Umiling ako dito.
"Hindi Mam Rita.. late na.. na ho a..ako." alanganing sabi ko dito sabay ngiti din ng alanganin.
Tumawa ito mahinhin at hinampas ako sa balikat.
"Hayaan mo na. Akong bahala sayo. And don't call me Mam, Rita nalang at tatawagin na rin kitang Marydale. I hope we could be friends." Nakangiting sabi nito.
"Ah okay.. Ri.. Rita.. fri.. friends. Maymay nalang itawag mo sa'kin. Ganun kasi tawag sa'kin ng mga kaibigan ko."
Ngumiti ito at biglang yumakap sa akin.
"Great.. alam mo ba wala akong masyadong kaibigan. Salamat at tinanggap mo akong bilang kaibigan." Sabi nito habang hindi pa rin bumibitaw ng yakap sa'kin.
'Yung feeling na yakap mo at naging kaibigan mo pa ang taong mahal ng mahal mo.. mapapabugtong hininga ka nalang.
Bumitaw na ito ng yakap sa'kin at humawak sa braso ko.
"Eh tara na.. akyat na tayo."
Tumango ako dito at sabay kaming naglakad papuntang elevator.
Nang makapasok kami.. agad nitong pinindot ang button papunta sa itaas.
Tumingin ako dito at ngumiti. Napakaganda niya, napakainosenti ng mukha niya.
Binalik ko ang tingin ko sa harapan ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko ngayon.
"Alam mo Maymay, mabait naman yang si Edward. May topak lang talaga paminsan-minsan." Nakangiting sabi nito.
"Alam ko.. I mean, pansin ko din naman.. na may sayad siya sa utak."
Tumawa ito sa sinabi ko.
Iyong tawa niya ang ganda pa rin.
"So much blessed to have him in my life. He's the best boyfriend in the world." pagmamalaki nito. "Ikaw Maymay, kamusta naman kayo ng boyfriend."
BINABASA MO ANG
MAYWARD fanfic: Lihim (completed)
FanfictionThis story is dedicated to all MayWard fans.. Spread MayWardnatics and spread love.. P.s: Para sa mga maliligaw sa istoryang ito. Ihanda ang sariling matawa, matuwa, mabwisit, umiyak, kiligin (kung meron man), magalit ( o magalit sa akin, huwag niyo...