Special Chapter: Luke Conde

1.5K 65 10
                                    


"Oh Nay napatawag ka.."

[Nasaan ka Conde?!"]

Agad kong inilayo ang cellphone sa tenga ko.

Grabe papatayin ako sa kabingian ni Mary Pasko.

"Nay naman...pfft!"

[Hoy Conde! Tigil-tigilan mo nga ako sa katatawag na nanay diyan.!]

Natawa ako ng malakas. Pikon talaga si Mary Pasko.

Umagang-umaga binubungangaan ako. Grabe bakit ba ako lagi pinapagalitan nito?

[Hoy Conde! Iyong ka-blind date mo kagabi tuluyan ng nabulag sa kakahintay sa pagdating mo! Bakit di mo sinipot?!]

Aray! Ang sakit na tenga ko. Hold on ears, makakaraos din tayo.

"Nandiyan ka pa pala Nay. Pfft! Don't worry sagot ko na ang shades niya. Pfft!"

[Aanhin niya ang shades? Hindi ba pwedeng headset ha?]

Oo nga naman. Pfft! Tinde talaga Mary Pasko.

Ewan ko lang kay Mary Pasko, nagkaroon lang ng pamilya. Pati buhay single ko pinakikialaman na nito. Pfft!

Bumabawi ata sa nadelay nitong happy ending kay Barbero. Pfft!

Kahit dumoble ang kakulitan nito, okay lang naman.

[Asan ka para alam ko. May dadating na pinsan si Dong bukas, kailangan nandito ka para maipakilala kita ha....]

Inilayo ko ulit ang cellphone sa tenga ko. Woah another date ulit.. bilib na ako sa matiyagang paghahanap ni Mary Pasko ng forever ko kuno.

"Nay di kita marinig... Tot..tot..tot na..."

Agad kong pinatay ang tawag at tawa-tawang initsa ang cellphone ko sa kama.

Ang cute talaga ng kakulitan ng babaing iyon. Pfft!

Tinignan ko ang oras sa suot kong relo. Ala-singko palang naman.

Nagpunta ako sa may maliit na kusina at nagtimpla ng kape. Sumilip ako sa maliit na bintana nitong kubo.

Papasikat na rin ang araw. Tamang-tama rin pala ang gising ko.

Ang ganda talaga dito sa Palawan...

Minsan na rin kaming nagpunta dito ni Rita...

Napangiti ako ng malungkot ng maalala ko ang aking dating kasintahan, dating kaibigan.

Matagal ko na siyang napatawad. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na rin ito kasama ang kuya nito.

Dinampot ko ang kape ko at nagpasyang lumabas sa kubong nirentahan ko.

Anong oras na rin ako nakarating sa private resort na ito para makapagpahinga at takasan si Mary Pasko sa kung sinu-sinong pinapakilala nito sa akin.

Napapailing na natatawa ako nang maalala kong muli ang bago kong ina sa katauhan ni Mary Pasko.

Pagkalabas ko ng kubo, lumanghap muna ako ng hangin at uminom sa kape ko. Ngunit agad kong nailuwa ang kapeng ininom ko ng makarinig ako ng  umaatungal.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng ingay.

Napakamot ako ng ulo ng makita ng babaing lasing na lasing, base na rin sa hawak nitong alak, habang panay ang atungal nito.

"Bakkiittt???"  Umiiyak na sigaw nito.

"Hoy!!" Sigaw ko dito.

Tumigil naman ito at humarap sa akin. Mukhang nagkamali ata ako ng paninita dito. Para kasi akong papatayin nito sa klaseng tingin na ibinabato nito sa akin.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon