"Hmmm.." ungol ko.Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa aking alarm clock.
"Teka five minutes.." bulong ko matapos kong patayin ang alarm clock ko.
Ipinikit kong muli ang aking mga mata. Hindi ko na namalayan ang paghila ng antok sa'kin.
"Hayyy ang sarap ng gising ko.."
Nag-unat-unat muna ako. Mag-aapply pala ako ng panibagong trabaho ngayon. Inabot ko ang orasan sa tabi ng kama ko.
"What the?? alas-otcho na?! Seryoso? Teka kanina.. ala-sais palang ah.." agad akong napabalikwas. Tumayo ako bigla at tumakbo papuntang banyo pero sa kamalas-malasan nadapa pa ako sa kumot na sumama pala sa pagbangon ko.
"Aray.." daing ko ng tumama ang ulo ko sa may lapag.
Tumayo nalang ako kaysa mag-inarte pa baka mas lalo pa akong mahuli sa pag-aapply ng bagong trabaho.
Wala atang trienta minutos ng matapos ko lahat ang mga ginawa ko. Hindi na ako nag-abala pang kumain kahit gutom na gutom na ako. Matapos kong maisara ang aking apartment. Naglakad na ako sa paradahan ng mga jeep.
Tumingin ako sa unang jeep puno na ito pero nagpapasakay pa ang konduktor.
"Isahan pa sa magkabilahan." Sigaw ni kuyang konduktor.
Napilitang humakbang ako paakyat sa may jeep.. no choice na ako, alangan namang sumakay ako sa pangalawang jeep tiyak maghihintay ng pasaheros 'yon. Baka abutin pa ako ng siyam-siyam.
Isiningit ko nalang ang pang-upo ko sa maliit na espayo.
"May isa pa sa kanan.. aalis na!" Sigaw pa rin ni kuyang konduktor.
Pambihira naman si kuya! Ako nga halos napapahawak na sa may bakal para lang di mahulog ang pwet ko, nagtatawag pa siya. Mas komportable pa atang sumabit nalang ako.
Nang may pumasok sa loob ng jeep, ay nag-umpisa nang umandar ito. Ang bilis ng pagpapatakbo ni kuyang driver kaya sobrang kapit ko sa bakal na hawakan sa taas ng jeep.
Kaasar! Oo nagmamadali ako.. pero wala pa akong balak bumiyahe papuntang langit..
Sampung minuto din ang tinagal ko matapos kong maisipang parahin ang jeep.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung saan ba ako mag-aapply at kung anong trabaho ang aaplyan ko.
"Bahala na.." kibit-balikat ko.
Tumingin ako sa mga nagtataasang mga building sa harapan ko. Humakbang ako sa tapat kong building.
Tumingin ako sa dalawang guwardya sa may entrada at lumapit dito.
"Kuya hiring pa ba sila dito?" Magalang na tanong ko.
"Naku mam.. stop hiring na sila.." sabi ni kuyang guard.
Hindi ko na inintindi ang iba pa nitong sinabi. Isa lang naman ang tanong ko. Hindi ko kailangan ng mahabang eksplanasyon.
Wala akong balak makipagkwentuhan kay kuyang guard kaya nagpaalam na ako dito.. masasayang lang ang oras ko.
Naglakad ulit ako sa sumunod na building.. gaya nung una, ganun din ang nangyari.
Nakailang building din akong napagtanungan at napasukan.. kung hindi stop hiring ay hindi naaayon sakin ang trabahong inoffer nila. Alam kong sa edad kong ito dapat hindi na ako mapili, pero alangan namang pasukan ko ang trabahong mahihirapan ako at sabihin sa kanila fast learner ako na yakang-yaka ko. Nagsinungaling na nga ako, nakagawa pa ako ng kapalpakan. Walang trabahong madali.. oo alam ko dahil napag-aaralan naman. Pero ayoko talaga..ah basta..
BINABASA MO ANG
MAYWARD fanfic: Lihim (completed)
FanfictionThis story is dedicated to all MayWard fans.. Spread MayWardnatics and spread love.. P.s: Para sa mga maliligaw sa istoryang ito. Ihanda ang sariling matawa, matuwa, mabwisit, umiyak, kiligin (kung meron man), magalit ( o magalit sa akin, huwag niyo...