Chapter 32- Dagat/Puntod

2.2K 135 13
                                    


Napayakap ako sa aking sarili ng umihip ang malakas na hangin.. hindi na ako nag-abalang itali ang mahaba kong buhok.

Tanging hampas lamang ng alon ng dagat sa pangpang ang ingay na naririnig ko.

Tinanggal ko ang suot kong sandals at humakbang ng papalapit sa may tubig.

Magagalit ba ako sa dagat?

Tumingin ako ng diretso at tinatanaw kung may hangganan ba ang malawak na tubig na nakikita ng aking mga mata.

Malapit ng lumubog ang araw kaya mas lalong dumudoble ang hampas ng alon sa pangpang.. sa may paanan ko.

Tumingin ako sa bulaklak na hawak ko.. yumuko ako ng konti at inilapag ang bulaklak na hawak ko sa may tubig.

"How can I forget you? Makakaya ko bang kalimutan ka? Kalilimutan na ba kita?" Bulong ko.

Dalawang linggo buhat ng makalabas ako ng hospital agad akong nagpasama kay Marco para puntahan si Edwardo.

Mahigpit ang sekyuridad ng subdivision nila Dong.. kahit na si Marco na matalik na kaibigan hindi makapasok-pasok.

Ayun sa nasagap naming balita matagal ng nailibing si Edwardo, ayaw raw patagalin ng pamilya na makita ang wala nitong buhay na katawan.. dahil hindi raw matanggap ng mga ito ang pagkawala ni Edwardo.

Ilang araw din ang tinagal bago namin malaman kung saan inilibing si Edwardo. Nang mapuntahan namin ang libingan nito para gusto kong magwala at di maniwala sa nakikita kong pangalan niya na nakaukit sa lapida.

"Dong.. kamusta ka na diyan? Saan ka kaya napunta? Sa langit ba o ilalim ng lupa? Pero Dong ang sama kaya ng ugali mo.. na medyo mabait. Hala bai! Baka nasa in-between ka. Waahh Dong pagala-gala pala kaluluwa mo!" 

Tinawanan ko nalang ang sarili kong kalukuhan.

"Edwardo.. Ed..edwardo alam mo miss na miss talaga kita. Ang daya daya mo naman! Ang dami-dami kung gustong itanong sayo! Edwardooo! Kahit nakaimposible.. please naman bumalik kaaaa!" Malakas na sigaw ko.

"Doonggg! Jowk lang 'to di ba? Gaya din ito ng pelikula.. babalik ka din.. ba..bakit.. bakit i..ikaw pa?" Umiiyak na sigaw ko.

"Ed..war..do.. balik ka na please.. kahit sungitan mo ako forever okay lang.. kahit pitikin mo noo ko ng paulit-ulit di ako magrereklamo.. kahit.. kahit.. basta bumalik ka lang.."

Naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa balikat ko.

"Ate May.. tama na 'yan."

Lumingon ako dito.. nakita ko ang lungkot at pagkaawa sa mukha ni Kisses.

Yumakap ako dito..

"Kiss ang sakit pa rin eh.. ang sakit-sakit.. hindi ko kayang kalimutan siya.. Paano ko gagawin iyon? Ang matanggap nga na pagkawala niya ayokong paniwalaan, kalimutan pa ba siya?" Daing ko.

"Ate May...hindi mo naman kailangang kalimutan siya.. pero ate huwag mong hayaan na lamunin ka ng sakit na nararamdaman mo.. sa tingin mo ba matutuwa si Edward na makita kang nagkakaganyan.. na malungkot ka?" Mahabang paliwanag ni Kisses.

Napatigil ako sa pag-iyak ko at pinag-isipan ng mabuti ang mga sinabi ng aking kaibigan.

Tama.. baka nga multuhin pa ako ni Edwardo.. pero okay lammg basta makita ko lang siya.. gwapong multo naman eh.

Kumalas ako ng yakap sa kaibigan ko at tumango dito.

"Sorry baby Kiss.. thank you dahil nariyan ka palagi.." tipid na ngumiti ako dito.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon